Chapter 20

9.1K 190 5
                                    

Greg's POV

Nagaayos ako ng bagong menu sa Moon Cafe ngayong bagong taon. Mas lalo nga naging busy dahil ang daming customers na dumadayo. Nakatayo ako sa may cashier dahil inaayos ko ang mga pera.

"Good morning, sir. Welcome to Moon Cafe."

"Is Greg here?" Napatingala ako noong marinig ko ang aking pangalan. Nakita ko si Dex.

"Sir Greg is over there, sir." Tinuro ng isang empleyado ko kung nasaan ako.

"Ah, okay. Thank you." Lumapit na si Dex sa gawi ko pero binalik ko na ang tingin ko sa ginagawa ko.

"Ano naman ginagawa mo rito, Dex?" Sinarado ko na yung cashier bago tumingin sa kaibigan.

"Can you help me?" Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Busy ako. Sa ibang araw na lang, Dex."

"Alam ko, Greg. Pero emergency ito."

"Ano ba yun?"

"Noong isang gabi kasi habang pauwi ako sa bahay ay may sumusunod sa akin. Nakakatakot dahil sa tuwing tinitingnan ko sa likod wala namang tao."

"Tapos na ang Halloween, Dex. At saka tinatakot mo lang sarili mo."

"Seryoso ako."

"Sino naman ang susunod sayo?" Kunot noo kong tanong. "At saka dati kang mafia, Dex."

"Sa tingin mo isa siya sa mga naging kalaban ng Golden Dragon?"

"Who knows? Sa dami pa naman natin maging kalaban."

"Si Zach naman kasi kung sinu-sino ang inaaway kaya ayun." Pailing iling pa siya ng ulo.

"Nanisi ka pa. Paalala ko lang sayo, Dexter Andrada. Isa kang mafia kaya kahit sino kaya mo rin talunin."

"Bakit ikaw Greg Sandoval gagawin mo rin ba yun?"

"Siyempre naman. Makikipagpatayan talaga ako pag dinamay ang asawa ko."

"Pareho talaga kayo ni Zach, no?"

"Siyempre. Mahalaga sa amin ang pamilya namin. Kaya ikaw pagpinakasalan mo na ang pinsan ko ganyan din ang gagawin mo." Tinapik ko siya sa balikat.

"Greg, I don't even know her. Paano ako magpapakasal sa babae na hindi ko naman kilala?"

"Believe me, Dex. Mabait yun. Close friend ko rin siya."

"Give me a hint. Kahit pangalan lang niya."

Bago pa ako makapagsalita ay may nagtaas ng kamay isa sa mga customer.

"Excuse me." Sabi ko. Dahil busy ang mga empleyado ko kaya ako na lang ang lumapit. "Can I take your order, ma'am?"

"An oreo milk tea and burrito." Sinusulat ko ang order niya sa isang papel.

"Is there anything else?"

"No, that's all." Ngumiti ito sa akin.

"Okay, ma'am." Nguniti rin ako. Naglakad ako patungo sa kitchen at nilagay sa maliit na bintana ang papel nakasulat na order. "Oreo milk tea and burrito for table five."

"Okay, sir."

Lumapit na ako kay Dex. Ngayon ay nakaupo na siya sa isang table.

"Baka may gusto ka rin oderin."

"Libre ba?"

"Kapal mo. Malulugi ako sayo, Dex." Umupo ako sa tapat niya.

"Biro lang. Hindi ka na mabiro. Ano na lang..." Pansin kong kumunot ang noo niya.

Carrying A Mafia's BabyWhere stories live. Discover now