Chapter 2

22.7K 408 3
                                    

Kinausap ulit ako ni Zach na samahan ko raw si Alexis dahil gusto daw niyang puntahan ang kaibigan niya. Pumunta kami sa isang bakery kung saan nagtatrabaho si Alexis noon. Ang hindi niya kasi alam nagbigay ako ng resignation letter niya rito para hindi na siya hanapin ng boss niya at ng mga employees.

Noong nakita ko ang kaibigan ni Alexis ay nakaramdaman ako ng kakaiba. Ano ito? Sa dami kong nakilalang babae pero iba siya. Kaya lang hindi na ako naniwala sa love. I don't even in love to anyone.

Nangyari ang lahat na yun simulang namatay ang asawa at anak ko. One year ago, nasa misyon kaming apat dahil hinahanap pa namin ang pumatay kay Terence. Wala na akong oras sa asawa ko kahit alam kong three months pregnant na siya. Mas pinili ko ang mafia kaysa sa kanya. Mahalaga sa akin si Terence pero mahalaga rin sa akin ang asawa ko. Ngunit simulang bata pa lang si Terence ay palagi kong kalaro yun. Tinuring ko na ring kapatid si Terence pero noong nalaman namin pinatay siya ay parang gumuho ang mundo ko. Hindi ko mapapatawad ang pumatay sa kanya.

Pero isang araw ay nakatanggap ako ng tawag galing sa mga magulang ni Janice. Naaksidente daw siya kaya sinugod sa ospital. Pumunta ako agad sa ospital pero pagdating ko ay wala na ang mag-ina ko. Hindi ko man lang siya nakasama noong araw na yun. Hindi ko tanggap ang pagkawala ni Janice at ng anak namin. Marami ang pagkakulang ko. Simula noon ay hindi na ako ulit ako umibig kahit isang taon na.

"Hey!" Narinig ko ang pagsigaw. Nakita ko ang kaibigan ni Alexis. Lumingon ako sa paligid dahil nawala sa paningin ko si Alexis. Lagot ako nito kay Zach.

"Kung hinahanap mo si Alex. Pumunta siya ng rest room."

"Oh. Okay." Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko pa naman ay tinakasan na niya ako. "Anyway, pwede ba makuha ang number mo? In case nawala si Alexis at ikaw agad ang matawagan dahil alam kong ikaw ang pwede niyang lapitan.

"Um, okay. No problem with me. Basta sa kaibigan ko." Binigay na niya sa akin ang contact number niya. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya ang dahilan kung bakit ako ang kasama ni Alexis.

Dumeretso na ako sa warehouse pagkatapos ko ihatid si Alexis sa bahay ni Zach. Makaorder nga ng maiinom. Gusto ko makalimot sa nangyari kay Janice. Wala na rin akong balita sa mga magulang niya. Noong nilibing kasi sila ng anak namin ay kinausap ako ng daddy niya na kalimutan ko na yung anak nila. Mahirap kalimutan dahil mahal ko si Janice pero malaki ang pagkakulang ko sa kanya. Hindi na rin ako aasa makahanap nang bago pero natatakot lang ako baka isang araw iiwan niya rin ako. Mas mabuti ng magisa na lang ako sa buhay.

"Oh, Greg. Nandito ka na pala sa warehouse." Nilingon ko yung nagsalita.

"Gusto ko rin makapagisip, Dex."

"Mukhang problemado ka nga. Ano ba gumugulo sa isipan mo ngayon?"

"Kahit isang taon na ay hirap kalimutan si Janice."

"Subukan mo kayang maglibang? Like girls hunting."

"Malabo. Kahit buwan pa lang kaming kasal ni Janice ay mahal na mahal ko siya. Siguro ganito kung mahal mo ang isang tao hindi kalimutan."

"Ewan ko. Hindi pa ako nagmahal sa buong buhay ko. Hindi ko pa kasi nakikita ang tamang babae para sa akin. Yung tatanggapin ako kung ano ang trabaho ko ngayon."

Isa pa iyan ang problema ko. Baka hindi niya rin tanggapin ang trabaho ko bilang isang mafia kahit may sarili akong coffee shop sa Los Angeles.

"Wala ka ba talagang napupusuan ngayon?"

"Wala." Sagot ko. Wala naman talaga ako napupusuan.

"O baka naman takot ka na magmahal?" Napatingin ako kay Dex. Takot nga ba ako? Siguro nga tama siya. Natatakot akong magmahal at iiwan ulit.

Carrying A Mafia's BabyKde žijí příběhy. Začni objevovat