Chapter 11

11.7K 218 13
                                    

Naghahanda na ako para sa lunch date namin ni Yza. Naligo at nagbihis na rin ako bago pumunta sa bahay nila. Pinagbuksan ako agad ni Yza ng pinto.

"Ready to go?"

"Yes, excited na ko sa first date natin, Greg." Masayang saad niya. Halata naman. Ngumiti ako sa kanya.

Pumunta na kami sa restaurant na sinasabi kong masarap. Medyo mahal ang pagkain pero worth it naman.

"Don't mind the price. Ako na ang bahala sa bill."

"Ang mahal naman kasi."

"It's alright. Hindi ka naman magsisi kahit mahal ang presyo eh, masarap naman."

Habang naghihintay kami ng inorder naming pagkain ay nagusap na muna kami ni Yza. Masaya siyang kausap.

"Ang sabi ni Jar sa akin kanina mamayang gabi daw kasama niya si dad sa paguwi galing work."

"Baka naman gusto niya kayong kamustahin. Anak pa rin naman niya kayong dalawa ni Jared."

"I don't know, Greg." Hinawakan ko ang kamay niya nakapatong sa table.

"Siya pa rin ang ama niyo, Yza."

"Hindi ako sigurado kung handa na 'kong makita ulit siya pagkatapos ng mahabang panahon na wala siyang paramdam sa amin ni Jared. Siguro nga tinatawagan niya si Jared para sabihin na sa kanya pinasa yung kumpanya. Ni hindi nga niya kinakamusta ako. Baka nga hindi ako mahal ni dad."

"Wag kang magisip ng ganyan. Lahat ng mga magulang ay mahal nila ang kanilang anak."

"Maswerte ka pa rin, Greg dahil may kamag-anak ka na pwedeng lapitan." Napatingin ako kay Yza. Konti na lang iiyak na siya. Kumuha ako ng tissue para punasan ang luha na gusto ng kumawala.

"Hindi rin ako maswerte, Yza dahil minsan ko lang nakakasama ang mga magulang ko noon. Pero habang lumalaki ako nawawalan na sila ng oras sa akin para bang wala silang anak. Pinamigay nila ako kila lola kaya sa kanila ako lumaki."

Mabuti na lang dumating na yung inorder naming pagkain. Baka kasi pati ako umiyak na rin.

"Greg." Tumingala ako habang kumakain.

"Yes? May gusto ka pa bang orderin?"

"Wala na. Pero may gusto akong sabihin sayo."

"Ano yun?"

"Sinasgot na kita."

Napaubo ako sa sinabi niya. Uminom ako ng tubig para mawala ang pagkasamid ko.

"Seryoso? Pero hindi pa ako nagsisimula sa pangliligaw sayo."

"Hindi na kailangan dahil sa tuwing kasama kita ay masaya ako. Mahal kita. Hindi kumpleto ang araw ko pag hindi kita nakikita." Ngumiti ako sa sinabi niya. Ganoon rin naman ang nararamdaman ko. Mahal ko si Yza kaya hindi ko kayang mawala siya sa akin. Kahit nawalan kami ng anak.

"Ganoon rin ang nararamdaman ko ngayon, Yza. Hindi ko kayang mawala ka sa akin." Tumayo ako kahit hindi pa ako tapos kumain. Lumapit sa kanya at hinalikan ko siya sa labi. "I love you."

"I love you too, Greg."

Noong hinalikan ko si Yza sa labi ay biglang kumalabog ng mabilis ang dibdib ko. Para bang gustong kumawala ng puso ko sa dibdib.

Pagkatapos namin kumain ay pumasyal kami. Kahit saan niya gustong pumunta. Ayaw pa daw niya umuwi dahil wala naman daw siyang gagawin.

"Gusto mo na bang umuwi na?" Tanong ko. Pero umiling siya ng ulo.

"Wala naman akong gagawin sa bahay."

"Nilibot na natin ang buong mall. Hindi ka pa ba pagod?"

"Pagod na. Sakit na nga ng paa ko sa kakalad natin."

Carrying A Mafia's BabyWhere stories live. Discover now