Chapter 21

8.6K 173 13
                                    

Yza's POV

Pumunta na kami ni Greg sa sinasabi niyang bilihan ng damit pangbaby. Totoo nga. Nagustuhan ko ang mga damit rito.

"Hon, gusto ko ganitong suotin ng prinsesa ko." Napatingin ako sa hawak ni Greg. May nakalagay na I love Daddy sa damit.

"Seryoso ka?" Hindi makapaniwalang kong tanong.

"Bakit naman? Cute kaya."

"Edi ito naman sa lalaki nating anak." Kinuha ko yung isang damit na terno na kinuha niya. Pero ang nakalagay doon ay I love Mommy.

 Pero ang nakalagay doon ay I love Mommy

Deze afbeelding leeft onze inhoudsrichtlijnen niet na. Verwijder de afbeelding of upload een andere om verder te gaan met publiceren.

"Sure. Cute nila tingnan kung ito ang mga suot nila."

Wala na ako magagawa dahil binili na ni Greg ang mga damit. Inagaw pa kasi niya kanina yung hawak ko sabay takbo papuntang cashier. Parang bata.

"Saan mo na gustong pumunta?" Tanong niya sa akin.

"Kain na muna tayo. Nagugutom na kasi ako."

"Okay. May malapit na kainan dito."

Pumunta kami ni Greg sa isang restaurant. Nagorder na siya ng makakain namin.

"Yza?" Lumingon ako noong marinig ko ang pangalan ko. "Huy, sabi na nga ba ikaw iyan."

"Scott?" Hindi ako makapaniwala magkikita ulit kami ng matalik kong kaibigan. Hindi lang si Alex ang matalik kong kaibigan pero walang ideya si Alex tungkol kay Scott dahil umalis ang pamilya niya kasama siya noon. Wala na nga akong balita sa kanya. Mabuti nagkita na kami ulit.

"Yes, it's me."

"Musta ka na?"

"Ito ayos lang. Hindi ko alam dito pa talaga sa states tayo magkikita na dalawa."

"Oo nga, eh."

"Ikaw pala kamusta ka na?"

"Okay lang din ako."

Greg's POV

Kunot noo ako noong may isang lalaking lumapit kay Yza. Mukhang close ang dalawa at nakalimutan na nandito ako kasama niya. Ako pa naman ang tipong seloso. Hindi ko naman maiiwasan ang magselos. Asawa niya ako.

Tumikhim ako at mukhang naalala na ni Yza nandito ako.

"Ah, Scott pakilala ko pala sayo si Greg asawa ko."

"Asawa? Hindi ko alam kasal ka na pala."

"Yes. Kasal na ako."

"Anyway, hello, I'm Scott Wilson. Kaibigan ako ni Yza simulang pagkabata." Kaibigan ka lang niya. Asawa ako.

Tumango lang ako ng ulo. Wala ako magagawa selos na talaga ako.

"Sige, Yza. Alis na ako."

"Sige, ingat ka, Scott."

Sawakas umalis na rin ang lalaking yun. Baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko ngayon at pasalamat siya wala akong dalang baril ngayon baka paputukin ko ang bungo ng lalaking iyon pero ayaw ko naman magalit sa akin si Yza kaya hindi ko na lang itutuloy ang binabalak ko. Mabuti na lang din ay dumating na ang mga order namin at nagsimula na kaming kumain. Kumain ako na tahimik. Ni hindi ko lang kinakausap si Yza kahit daldal siya ng daldal.

"Greg? May problema ba? Nagsasalita ako rito hindi mo naman ako pinapansin."

"So, ilan pa ang lalaki mong kaibigan? Baka mamaya may dumating pa. Kahiya naman."

"Selos ka?" Tumingin ako sa kanya sabay kunot noo. "Selos nga ang asawa ko."

"Oo, nagseselos ako. Ano magagawa ko? Selosong tao ako. Ang ayaw ko sa lahat ang pinagseselos ako." Narinig ko siyang tumawa. Pinagtawanan daw ba ako.

"Ang cute mo naman magselos, Greg."

"Bahala ka na nga diyan." Tinuloy ko na ang pagkain.

"Anong ibig mong sabihin?"

Simula noon ay hindi ko na ulit pinansin si Yza hanggang matapos na kaming kumain. Inaasar lang ako ng asawa kong ito.

------

"Greg, kausapin mo naman ako."

Nandito kami ngayon sa kwarto pero ako abala sa laptop dahil sa trabaho. Hindi ko pa rin pinapansin si Yza.

"Sorry na, Greg. Matitiis mo ba ako na hindi kausapin?" Narinig ko ang paghikbi niya. Naku naman. Umiiyak na. Ang ayaw ko ang makitang umiiyak ang babaeng mahal ko. Napahilamos ako ng mukha gamit ang palad ko bago isara ang laptop. Tumayo na ako para lumapit sa kanya at umupo sa tabi.

"Sorry rin. Nagselos lang talaga ako kanina. Tahan na." Niyakap ko si Yza habang pinapatahan siya. Masyadong sensitive ang mga buntis, alam ko naman yun.

"Pinapatawad mo na ba ako?"

"Pinapatawad na kita. Kaya tumahan ka na." Pinunasan ko ang luha sa pisngi niya. "But why you didn't tell me about him? Ang akala ko si Alexis lang ang kaibigan mo."

"Umalis ang pamilya ni Scott na kasama siya. Matagal na akong walang balita sa kanya at ngayon lang ulit kami nagkita. We're neighbors kaya naging close kami ni Scott. Bagong lipat lang sila noon at saka mas matanda sa akin si Scott ng dalawang taon."

"So, matanda rin kay Jared?"

"Yes, matanda rin kay Jar. Tutal isang taon lang naman ang tanda sa akin ni Jar." Humiga na siya sa kama pero nakaharap pa rin siya sa akin. Tumingin ako sa kanya habang nakaupo. "Parang kapatid ko lang din si Scott. Ikaw lang ang mahal ko at wala ng iba."

Ano itong nararamdaman ko? Yung galit ko kanina bigla na lang naglaho at napalitan ng kilig. Nakakabakla ang nangyari sa akin.

"At saka magkakaroon na tayo ng mga anak, Greg."

Pumunta ako sa kabilang gilid ng kama para humiga na rin sa tabi niya. Hinawakan ko ang umbok ng kanyang tyan pero nilapit ko ang mukha ko.

"Sorry kung naging seloso si daddy. But I promise I won't make your mommy cry again."

Narinig ko ang pagsinghap ni Yza.

"Greg, naramdaman mo yun?"

"Y-Yeah, they kicked." I stuttered. Ngayon pa talaga ako nautal.

"Parang gusto nilang sabihin na wag mo sirain ang pinangako mo sa kanila."

"Hey, I'm not that kind of a person, hon. Ako ang taong may isang salita." Humiga na ulit ako at niyakap ko si Yza. "Ikaw at ang kambal ang mamahalin ko habang buhay."

"Aw, so sweet."

"I'm always sweet." Ngumiti ako sa kanya. "Kaya iwasan mo na ang kumain ng matatamis dahil sa akin pa lang ay magkakadiabetes ka sa tamis."

"Ewan ko sayo. Kaya siguro magkakasundo kayo magkakaibigan. Kasi pareho kayo magisip."

"Hindi ko iyan maitatanggi." Sabi ko sabay tawa.

Wala na talaga akong hihilingin pa dahil binigyan na ako ng mapagmahal na asawa.

-------

Gusto ko lang po magsalamat kay Scott a.k.a Scottty-kun dahil pumayag siya maging bahagi ng story ko. 😊

Ang cute pala magselos ni Greg, no? Haha xD

-Skye

Leave a comment and press ☆ to vote.

Carrying A Mafia's BabyWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu