Chapter 12

10.3K 218 1
                                    

Natahimik ako noong pagkahatid ko kay Yza sa kanya. I forgot sinabi pala ni Yza na kasama ni Jared ang papa nila kagabi. One-on-one conversation with her father. Hindi ako handa sa mangyayari..

Medyo kabado.

Sino ba ang hindi?

"How long you've been dating my daughter?" Naka-cross arms ang ama ni Yza. Wala akong ideya strikto pala ito. Wala kasi kila Jared o Yza ang pagiging strict.

"Yesterday, sir."

Of course, I want to be honest para payagan niya ako para sa anak niya.

"Do you really love my daughter?"

"Yes, sir. I started to love your daughter since the day I met her."

"Are you going to marry my daughter?"

"I will."

May balak naman ako pakasalan si Yza kung kailan maging handa na siya. Binigyan ako ng pangalawang pagkakataon na umibig muli kaya hindi ko na sasayangin ang pagkakataon na ito.

"Okay, then. But make sure you won't break her heart like what I did to her mother." Nakikita kong nagsisi siya sa nangyari. Nababasa ko sa mga mata niya na mahal pa rin niya ang unang pamilya.

"Um, sir.. Gusto ko lang po humingi ng pormal na permiso sa inyo..."

"About what?"

"Gusto ko pong yayain magpakasal sa anak niyo."

Biglang tumahimik ang buong kwarto. Naku naman. Kinakabahan na talaga ako.

"How old are you again?"

"Sir? Um, twenty-six."

Biglang ngumiti ang papa ni Yza. Pasado na ba ako?

"Alright, then. Greg, take care of my daughter."

May chance. Yes!

"I will, sir." Masigla kong sagot. Nawala ang kaba ko sa dibdib.

"Kailan mo balak yayain magpakasal si Yza?"

"Hindi naman po ako nagmamadali. Kung kailan po maging handa si Yza. Kaya ko naman po maghintay."

"I see. Nakikita ko rin na mahal ka rin ni Yza kaya pumapayag na ako sa relasyon niyong dalawa."

Yes!

Ito na ang pinakamasayang araw nangyari sa akin.

Ang unang lumabas ay ang papa nila at sumunod na rin akong lumabas. Bigla na lang ako niyakap ni Yza.

"Ayos ka lang? Wala bang ginawa sayo si dad?" Alam kong nagaalala si Yza. Ngumiti ako sa kanya.

"Everything is fine. Don't worry."

"Wala akong ginawa sa boyfriend mo. Kinausap ko lang siya. Hindi papatayin."

"Baka po kasi may gawin kayo kay Greg."

"Mukha akong strikto pero kung saan masaya ang mga anak ko doon ako. Basta wag ka lang niya paiyakin."

"So, ibig sabihin po ba niyan.. Pumapayag na po kayo sa relasyon nila?" Tanong ni Jared. Tumango ang papa nila.

Pagkatapos lahat ng pangyayari sa bahay bahay nila Yza ay umuwi na ako. Pero narinig kong sumisigaw si tita Cleo.

"Ilang beses ko ba sabihin sayo na magbago ka na, Vincent?! Hindi magagalit sayo si Greg kung hindi ganyan ang ugali mo!"

"But mom.. He stole Janice from me."

Pumasok na ko kung saan sila naguusap na dalawa. Lumapit ako kay tita Cleo.

Carrying A Mafia's BabyWhere stories live. Discover now