C h a p t e r (59)

Start from the beginning
                                    

“Po ate?” tumigil siya at tumingin sakin. Nakagat ko ang labi ko. Sorry Shami. Sorry kung magsisinungaling si ate sayo.

“Mag.. magbabakasyon tayo.”

“Ha? Bakasyon? Saan naman po?” magkasalubong ang dalawa niyang kilay.

“Sa Canada.”

Kumunot ang noo niya habang nakanguso. Tinitigan niya lang akong maigi bago nagsalita. “Canada? Saan yun ate? Malapit lang ba yun?”

Napilitan akong tumango. Sorry Lord. Nagsinungaling na naman ako.

“Maganda ba dun?”

“Oo. Atsaka.. atsaka may Disneyland!”

“Eh diba sa Hongkong po yun?”

Napapikit ako. Mukang ang hirap magsinungaling sa batang to ah!

Dumilat ako at nagpeke ng ngiti. “Meron din dun, Shami.”

“Sigurado ka diyan ate?”

“Oo nga! Hindi ka naniniwala?”

“Medyo hindi eh.” UGH SHAMI!!

Ilang minuto pa akong nag-imbento ng kasinungalingan dun bago ko nakumbinsi ang kapatid ko.

 

“Saglit lang tayo dun ate?”

“Oo, saglit lang tayo dun.” Sinungaling mo talaga, Shara.

“Hindi ba natin kasama si Daddy Jace?” ilang segundo rin akong hindi nakapagsalita.

“Hindi eh.” Magsasalita na sana siya pero agad kong napigilan. “Saglit lang naman kasi tayo dun!”

“Sige na nga!” at nagpout siya.

Gabi na at nauna nang matulog ang kapatid ko. Hindi ko alam pero hindi talaga ako makatulog. Paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko ang nangyari kay Mel at ang disappointed look ni Jace sa ospital.

Tumagilid ako at nakitang umiilaw ang phone ko.

Jace <3 calling…

Nanginginig kong kinuha yung phone at tinitigan lang ang screen. Gusto ko sanang sagutin pero hindi ko magawa.

Matagal tagal din yun bago nawala ang pangalan niya sa screen. Akala ko nga ay tumigil na siya pero hindi pa pala. Lumabas na naman ang pangalan niya.

Hey Sir! I Love You! (FINISHED)Where stories live. Discover now