C h a p t e r (45)

8.4K 182 6
                                    

C h a p t e r (Forty Five)

HIS POV

I smiled at the thought that it was sembreak already. Yes, hindi na ako estudyante and I still have things to do as a teacher but at least I’d get to spend a lot of more time with her. Inayos ko na ang mga gamit ko para makauwi na. May dadaanan pa kasi ako. Maybe I should buy them some cake. Wala namang okasyon pero parang gusto ko lang. I could imagine princess grinning from ear to ear pag nakitang may dala akong cake and that made me smile. That child really loved sweets.

“Ngiting-ngiti tayo diyan Sir Villareal, ah?” napalingon ako kay Tanya, co-teacher ko, na ngayon ay ngiting-ngiting nakatingin sakin. I smiled back at her.

“Oiiii! Siguro may date!” panunukso pa niya kaya nakisali narin yung ibang mga teachers na nandoon.

Napailing nalang ako pero hindi parin naaalis ang ngiti. Damn, why am I smiling like an idiot? You sure get so excited about spending more time with her, Jace.

“Buti pa si Sir, lumalovelife!” nagtawanan sila doon kaya natawa narin ako.

“I have to go,” natatawa kong sabi at kinuha na ang gamit ko.

“Ingat Sir! Goodluck sa date!” yun ang mga huling narinig ko bago tuluyang lumabas ng faculty room. Napailing nalang ako sa mga pinagsasasabi nila. I’m not even going to date but why the hell am I so happy? Then maybe...maybe just by thinking about her makes me happy.

I went to the parking lot at pumasok na sa sasakyan. Like what I’ve said earlier, bibili muna ako ng cake kaya dumaan na muna ako sa isang cakeshop. Black forest ng binili ko since ito ang favorite ni Shara though she dislikes cherries. I shook my head. Shara can be sometimes weird but that’s one of the things I like about her.

Bumalik na ako sa sasakyan at inilapag ang red box ng cake sa shotgun seat. I glanced at it. Then I remembered na malapit na nga palang siyang magbirthday. That she’s about to turn 18 and somehow that made me scared and uneasy because… I shook my head and started the engine. I need to get back home. I need to be with them.

Nasa kalagitnaan ako ng pagdadrive nang magring ang phone ko. Mga ilang segundo muna siguro ang lumipas bago ko sinagot iyon.

“Hello? Ate?” it was my cousin on the other line.

“Jace!” agad nang kumunot ang noo ko pagkasabi niya ng pangalan ko. “Bad news…”

“What? What is it?” damn… it can’t be…

“Alam niya na kung nasan sila!”

Agad akong napahinto sa pagdadrive at pinalo ang manibela.  “Fuck! What?!”

“I’m sorry, Jace…”

Napapikit ako at pinilit na kalmahin ang sarili. Damn, you need to control yourself Villareal.

“Pano mo nalaman na alam na niya?”

“She… she called me… sabi niya ay natunton niya na kung nasan sila and I’m sure na pupuntahan niya na sila.”

I cursed under my breath. This can’t be happening.

“Alright.” Bumuntong-hininga ako. “I have to go.” Hindi ko na siya hinintay  na sumagot at pinutol na ang tawag. Madali kong pinaharurot ang sasakyan.  I need to get there as soon as possible.

Mabilis akong nakarating sa bahay at patakbong pumasok doon.

“Shara!” sigaw ko sa loob pero walang sumasagot. Shit.  “Shara! Princess?!” still no response.

Nilibot ko ang buong bahay pero hindi ko sila nakita. Agad kong tinungo ang kwarto nila at binuksan ang cabinet. I sighed with relief. Their clothes were still here. But damn, where the hell are they?

Kinuha ko ang cellphone at sinubukang tawagan ang number ni Shara.

“The number you have dialed is out of coverage area-“ hindi ko na pinatapos iyon at agad na ibinato ang cellphone sa sofa. Pabagsak akong umupo doon at napasabunot sa buhok. DAMN! THIS IS DRIVING ME CRAZY!

I should have known. I should have braced myself for this. I should have seen this coming. She’s going to fucking get her. And I can’t just let that happen. Not when I know what her real intention is.

Lalabas na sana ako ng bahay para magtanong but I knew better. Walang pakialam ang mga tao dito. Walang pakialam  ang mga kapitbahay. Kanya-kanya ang buhay dito. Dati ay ayos lang ako sa ganoon at sa tingin ko pa nga ay mas maganda iyon pero ngayon ko narealized na may malaking disadvantage pala.

Fuck, asan na sila? Saan ko sila hahanapin? Damn! I don’t have a fucking idea!

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. 11:20 na sa orasan nang magising ako. Tumingin ako sa paligid. Tahimik. Wala parin sila. Ako lang ang mag-isa dito sa bahay. I'm all alone. Dammit. 

Where are you Shara and princess? I think I'm about to lose my sanity kapag hindi pa kayo nagpakita sakin.

Hey Sir! I Love You! (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon