C h a p t e r (15)

14.7K 250 13
                                    

***Wag masyadong mag-expect sa reaskyon ni Sir, baka hindi mameet ang expectations at madisappoint lang po kayo. Hahaha. ^^v

 

C h a p t e r  (Fifteen)

“Sir?!?!” chorus naming sigaw ni baklito.

Anong… anong ginagawa niya dito?!

Napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni baklito at ganon din siya sakin. Lagot na. Baka isipin ni Sir nagsinungaling ako sakanya nung sinabi kong hindi ko naman kras si Geoff! Huhuhu. Ayoko na!

Pabalik-balik kaming tiningnan ng kuya ni bakla tsaka nagsalita.  “Sir?”

Walang nagsalita saming tatlo kaya napagdesisyunan ko nang ako nalang ang magsasalita. Grabeti, kinakabahan ako!  “Uh… o-opo kuya. Teacher namin siya sa Physics.” napamulsa tuloy ako ng di oras sa palda ko. Andito pa pala yung kwintas at di ko pa nababalik. Mababalik ko pa kaya to?

“Ay oo nga pala! Teacher na pala kasi tong si Jace! Small world huh? Sa school pa talaga ng kapatid ko!” natatawa niyang sabi tsaka nagsimulang iligpit yung mga pinagkainan nilang chichirya sa center table.  “Teka lang ha, iligpit ko na to. Nakakahiya naman sa girlfriend ng kapatid ko.”

Napapikit nalang ako. Shiiiiiiiiiz!

“Girlfriend?” nakataas-kilay na tanong ni Sir habang nakatingin saming dalawa ni Geoff. Napansin ko ding saglit siyang tumingin sa magkahawak naming kamay.

Waaaaaa! Sir! Magpapaliwanag ako mamaya sa bahay! Pramis!

“Oo.” Sagot ng kuya ni Geoff habang tinatapon yung mga kalat dun sa may basurahan.  “Pinapunta kasi namin dito. Hahaha!”

Napabuntong hininga nalang ako. Ano na bang gagawin ko? Bakit pa pakiramdam ko niloko ko si Sir?

Oo Shara! Niloko mo siya! Nagsinungaling ka!

Waaaaaaa! Hindi naman ako nagsinungaling eh! Kung bakit naman kasi nandito si Sir?!

“Oy Geofferson, maghintay lang muna kayo diyan habang nagluluto pa si Dren.” Bumaling naman siya kay Sir.  “Tara Jace! Laban na!”

Hey Sir! I Love You! (FINISHED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora