C h a p t e r (57)

9.8K 198 8
                                    

Yeeeeep! Pinapabilis ko na! HAHAHA. May gusto na kasi akong isulat na story. Thanks for reading!

C h a p t e r (Fifty Seven)

Dumaan na ang Christmas, New Year at tapos narin ang foundation week. Yehey! Happy New Year sa amin! At ano ang susunod? JS Prom! Ito na yata ang favorite event ng mga classmates ko. Ang mga babae ay nag-uusap usap na tungkol sa mga gowns nila at hairstyles. Syempre excited din ako! Swinerte kasi ako at pinayagan ako ni tita. Hindi ko nga alam kung anong nakain non eh! Pero nagpapasalamat narin ako kahit papano.

“Uh, Shara.” tawag sakin ni Rui at dun ko lang napansing nagsespace out na pala ko.

“Ha? Bakit?”

 

“Hoy kayong dalawa! Wala na kayo sa mga kahanay niyo oh!” pareho kaming napatalon na dalawa nang sumigaw ang DI at masama ang tingin samin. Pati ang mga kaklase ko ay natigil sa pagsasayaw at nakatingin narin. Shiz! Nakakahiya!

“S-sorry po,” napayuko nalang ako at hinila na ako ni Rui para mapunta kami sa mga kahanay namin kanina.

“Okay, proceed!” umalingangaw sa grounds ang malakas na tunog ng kanta ni Christina Perri.

“Nakakahiya,” bulong ko kay Rui habang sumasayaw kami. Hindi ako makatingin sakanya. Pati tuloy siya nadamay sa kahihiyan ko. Kasi naman eh…

Tumawa siya ng mahina. “Okay lang.” tsaka niya ako pinaikot.

“Hoy tumingin kayo sa mata ng mga kapartner niyo!!” galit na sigaw nung baklang DI kaya napangiwi ako. Highblood lang po? Nang matapos akong umikot ay wala na kong nagawa kundi ang tumingin sa mga matang singkit ni Rui. Uhm… nakakailang naman to!

“Naiilang ka ba?” tawa niya.

“Ah oo.” Nakakailang kayang makipag eye-to-eye contact! DIBA?

“Ganto nalang. Sa ilong ko nalang ikaw tumingin para di ka mailang.” Nagtataka lang akong tumingin sakanya. “Gawin mo nalang.”

Sige, dahil may tiwala naman ako kahit papano dito kay Rui ay sinunod ko nalang ang sinabi niya. Infairness! Effective! Hindi na ako naiilang habang nakatingin sa matangos niyang ilong. Hindi nga ako naiilang, naiinsecure naman ako!

“Shiz! Ano ng susunod?!” nagpapanic kong sabi nang hindi ko na maalala kung anong susunod na steps! Argh. Hirap naman kasi nang hindi matandain sa dance steps eh. Kaya nga hindi rin ako sumali sa cheering non eh.

Tumawa siya kaya nawala na naman yung singkit niyang mga mata.

“Akong bahala.”

Maswerte rin pala ako na si Rui ang nakapartner ko. Nung una kasi ay ayaw ko, mas gusto kong si baklito nalang dahil mas kumportable naman ako dun kaysa dito kay singkit. Pero narealize ko, kung si Geoff kaya ang nakapartner ko? Ano na kayang mangyayari samin?

Hey Sir! I Love You! (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon