C h a p t e r (13)

14.8K 315 23
                                    

**Sorry po kung maikli lang at matagal pa! XDD

Tingin sa right side. Takpan ang mga mata! Lels. XDD (Ano kaya yun. xD)

C h a p t e r (Thirteen)

SHARA’S POV

Shiz! Physics na pala sunod! Okay, kalma lang heart. Wag kang magabnormal diyan! Kumalma ka please!

“Shara, ok ka lang ba?” nag-aalalang tanong sakin ni Rui.

“O-oo. Hehehe..” sabay namang pumasok sila Geoff at Skye at binigyan ako ng nakakatakot na tingin ni baklito! Malamang galit to at hindi kami pumunta! Eh sabi kasi ni Rui eh!

“Lagot ka sakin.” Mahina niyang sabi pagdaan sa gilid ko at umupo na sa likod ko. Nilingon ko naman siya.

“Ahehe. Geoff, sorry na oh.”

“Pssh.” Sabay irap.

“Sige ka, pag di mo ko pinatawad sasabihin–”

“AIISH! OO NA OO NA!” HAHAHAHA! Ang sama ko ba at binablackmail ko siya? Effective naman eh! Bwahahaha.

“Anong oo na?” umayos agad ako ng upo pagkarinig ko sa boses ni Sir. Tumayo naman ang lahat para maggreet sakanya at tinanguan lang niya sila. SILA, kase hindi naman ako naggreet. Mehehe. Kinakabahan na naman kasi ako. 

Wala naman masyadong kaganapan, as usual, nagreview na naman kami. Pero this time, katulong ko si Rui sa pagrereview kasi nga wala naman siyang ginagawa. Nagsulat ng mga problems sa board ni Sir at tinawag kami isa-isa para sagutan yon hanggang sa ako na. Jusko, nagaabnormal na naman ako. Kainis!

“Ms.Valle, what are you waiting for?” tanong sakin ni Sir. Ang galing galing talagang umacting ng isang to! PangFAMAS!

“E-eto na nga po eh..” naglakad ako papunta sa unahan at kinuha yung whiteboard marker kay Sir at nagsimulang magsagot. Kasalukuyan akong nagsasagot ng malaglag yung marker na hawak ko. Pano kasi, naiilang na naman ako kasi nasa likod ko siya! Bakit kasi kailangang nasa likod ko?!

Dadamputin ko na yung marker ng damputin din yon ni Sir. Nagkatinginan pa kami at nagaabnormal na naman yung heart ko! Buti nalang at sa likod ng desk ni Sir nalaglag yung marker at hindi kami makikita ng iba pag yumuko. Pag nakita nila kung ano pang isipin nila. Hinayaan ko na si Sir na pulutin yung marker tsaka niya ibinigay sakin. Kinuha ko naman yon at nagpatuloy nalang sa pagsagot.

Nasermonan niya na naman ako dahil mali yung sagot ko. Kainis! I hate you Physics!

“I think you really need to review this one.” Hindi ko alam kung ako lang ba yon o may tono talaga ng pang-aasar sa boses ni Sir.  “You may sit down.”

Hey Sir! I Love You! (FINISHED)Where stories live. Discover now