C h a p t e r (53)

8.6K 195 11
                                    

C h a p t e r (Fifty Three)

“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” matigas na tanong sakin ni tita nang makauwi ako sa bahay. Nakita ko ang kapatid ko sa gilid na takot na takot. Agad kong ibinaba ang mga gamit ko para sana lumapit kay Shami pero mabilis akong nahawakan sa braso ni tita.  “Tinatanong kita! Wag kang bastos!”

Hindi ko siya nilingon. “Shami! Pumasok ka sa kwarto!” agad namang sumunod ang kapatid ko at kumaripas ng takbo papuntang kwarto. Huminga muna ako ng malalim bago napagpasiyahang harapin ang bruha kong tita.

“Bakit po?” kalmado kong tanong sakanya. Kailangan kong magtimpi. Kaila—

Natigilan ako nang may lumipad na palad papuntang pisngi ko. Napahawak ako dahil sa naramdamang sakit. Shit!

“Akala mo hindi ko malalamang sumama ka sa fieldtrip niyo ha, Shara?! Pinagsinungaling mo pa ang kapatid mo na may group project kang pinuntahan?! Wag mo akong pagmukaing tanga!” sigaw niya sa muka ko pero nanatili lang ang tingin ko sakanya.

“Diba hindi na kita pinayagan?! Pero anong ginawa mo? Sumama ka parin! Sinuway mo ako! Ako na tita mo! Para ano? Para makipaglandian ka sa boyfriend mo?!”

 

Hindi ako umimik. Baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at sumabog na ako.

“Bakit niyo po ba ako pinipigilan?” naiiyak kong sabi. Luha please, wag kang tutulo!

“Kasi hindi tama! Hindi tama itong ginagawa mo Shara!”

“Alin ang hindi tama? Nagmamahal lang naman ako tita! Ano don ang hindi tama?!” sigaw ko sakanya at hindi ko na napigilan ang mga pesteng luha para umiyak.

“Hindi tama tong pagmamahal mo Shara! Sa oras na mabuko kayong dalawa, parehas kayong masisira! Naiintindihan mo ba?! Wag kang masyadong magpabulag diyan sa pagmamahal mo, Shara! Marami pang iba diyan! Maraming lalaki na pwedeng mahalin mo na walang komplikasyon!”

“Pero hindi sila si Jace!” sigaw ko pabalik. “At isa pa, malapit na akong grumaduate kaya nasisigurado kong hindi kami mabubuko!”

“Talaga? Gano ka kasigurado diyan ha, Shara?!” binitiwan niya ang braso ko dahilan para muntikan na kong matumba. May kinuha siya sa taas ng tv at mabilis na bumalik sakin. “Ayan! Tingnan mo yan!”

Naestatwa ako nang makitang picture iyon… picture ko na kalalabas lang galing sa sasakyan ni Jace. Napalunok ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Parang umurong ang dila ko at hindi ko alam ang gagawin.

“Pinadala yan sakin ng principal ng school kanina! Gusto niyang malaman kung anong ginagawa mo sa sasakyan ni Jace! At baka sa Lunes ay ipatawag niya na kayong dalawa!” binawi niya sakin ang litrato at itinapon iyon sa sahig. “Sabihin mo sakin ngayon Shara! Yan ba ang hindi mabubuko ha?!”

Hey Sir! I Love You! (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon