C h a p t e r (o2)

28.3K 510 19
                                    

C h a p t e r (Two)

 

“Aray!”

 

“Wag ka kasing matulog!” hinimas ko yung noo ko na pinitik ni Sir. Kainis! Masakit kaya!

“Hindi naman ako natutulog ah!” deny ko. Pinitik niya naman yung ilong ko. Ouch!  “Sinungaling. Hahaba yang ilong mo, sige ka.” Nainis ako sa sinabi niya. Anong tingin niya sakin, bata? Tingin niya ba maniniwala pa ko sa Pinocchio story na yan?

“Sagutan mo na kasi yan. Bilis.” Tiningnan ko yung exercises na sinasagutan ko. Eeeeeeh! Ayoko na nga eh! Inaantok na kaya ako! Napatingin naman ako sa orasan. Waaa! 11:30 na?! Dapat kanina pa ko tulog niyan at napapanaginipan si Sir este oo tulog na ko dapat niyan! Huhu.

“Tsk tsk. 11:30 na pala?” wow! Napansin niya pala!

“Ay hindi. 12 palang, 12. Tuloy pa natin to.” at pinitik niya naman ako sa pisngi!  “Aba! Nakakailan ka na ata ha?!!!”

 

“Ganon talaga. Ayaw mong magbehave eh.” napakurap ako. Nagwink siya? Di nga? “Oh ano? Inlove ka na sakin?” dun na ako natauhan. Kahit kailan talaga! Ang feeling nitong lalaking to!!!

“Pwe! Ang kapal please!” pipitikin ko sana yung ilong niya kaya lang sa labi tumama. Iba na talaga pag inaantok! Duling na ang paningin!

“Ah ganon ha? So puntirya mo talaga tong kissable lips ko ganon?” mabilis akong tumayo kaya gumaya din siya. Gaya-gaya!

“H-hinde ah!” takbooooooooooo!!

“Hoy hindi mo pa tapos tong pinasasagutan ko!” sigaw niya habang hinahabol parin ako. Binuksan ko agad yung pinto ng kwarto ni Shami at pumasok.

“Next year ko nalang yan sasagutan! Bwaha! Goodnight Sir!” binelatan ko muna siya bago tuluyang isara ang pinto.

Mwahaha! Naisahan ko si Sir!

***

“Ate, bakit ang ingay niyo kagabi ni Daddy?” halos maibuga ko na yung kinakain ko sa tanong ni Shami. Pero instead, nabilaukan lang ako.

“Oh tubig.” Inabutan ako ni Sir ng tubig kaya kinuha ko agad at ininom.  “Ok ka na?” nakakunot noo niyang tanong. Tumango naman ako.  “Ang OA kase magreact eh.” Sinamaan ko siya ng tingin. Tsss. Ok na sana eh! Kikiligin na sana ko sa concern niya. 

“So bakit nga kayo maingay kagabi?” pangungulit parin ng kapatid ko. Jusko! Bakit ba ang kulit nitong batang to?!

“Akala ko ba tulog ka na nun?”

 

Hey Sir! I Love You! (FINISHED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz