C h a p t e r (o9)

16K 285 20
                                    

COMMENT. COMMENT. SALAMAT! :>

Trisha on the right side. Haha =_=

 

C h a p t e r  (Nine)

Pagtapos mapamura ni Sir, agad niyang isinara ang pinto kaya naiwan na kong mag-isa dun. Teka! Si Shami nasa kabilang kwarto! Pano kung biglang magising yun at lumabas at makita nung Trisha?! Pano na?! Anong sasabihin ni Sir?! Argh naman oh! Hindi rin yon nag-iisip eh!  

Pipihitin ko na sana yung doorknob nang marinig kong magsalita si Sir.

“T-trisha..”

 

“Oh babes! Namumutla ka ata?” narinig kong tumawa yung Trisha. Infairness, ang ganda sa pandinig nung tawa. Kaya siguro nainlove sakanya si Sir.

Hindi ko namalayan na pinapractice ko na din yung tawa ko. Muntanga lang. Di bagay sakin yung ganung tawa. Hagalpak kung hagalpak din ang tawa ko eh.

“Bakit ka pala napapunta dito?” narinig kong tanong ni Sir. Oo nga! Bakit nga ba?! Kakain na sana kami eh! Dumating ka lang! Tssss…

“Bakit? Masama na bang bisitahin ang boyfriend ko?” *silence* Aba malay ko ba kung ano ng ginawa nila bakit biglang tumahimik. Nasa loob nga lang ako diba? 

“Atsaka.. ngayon lang ako nakalibre. Ang busy ko kaya!*laughs*

 

“Oo nga.” Sagot naman ni Sir.  “So how did you know that I’m here?” tumawa ulit yung Trisha. Ano bang problema niya?! Gusto niya ba talagang ipamuka sakin na maganda yung tawa niya?! Pssh!

“Thanks to your friend.”

“Sino?”

“Haha! Secret. Ayaw niyang sabihin ko eh, baka daw bugbugin mo siya.” Tawa ulit. Ugh!

*silence*

“Hmm! Ano yun? Ambango ha! Nagugutom tuloy ako!” oh man oh man oh man… wag mong sabihing… oh no no no!

Para samin lang yon eh! 

Narinig ko naman ang yabag ng mga paa nila. Mukang pupunta na sila sa kusina. Huhu. Ang niluto ko!

Napabuntong hininga nalang ako tsaka nagsimulang maglibot libot sa kwarto ni Sir. Ngayon ko lang narealize, ito ang first time ko na makapasok sa kwarto niya. Hindi po ako nagbibiro, first time ko talagang makapasok dito kahit almost one year na kaming magkasama sa iisang bubong. Ewan, ayaw niya kaming papasukin eh. Kahit nga si Shami. Weird. To think na ang linis linis naman ng kwarto niya. Nahiya tuloy ako sa kwarto namin ng kapatid ko. 

Umupo ako sa edge ng higaan ni Sir na dark blue yung comforter. Tumingin tingin ako sa paligid. May maliit na bookshelf (no doubt na mahilig talaga tong magbasa ng libro), flat screen TV(andaya siya may TV sa sariling kwarto kami ni Shami wala!!!), aircon, swivel chair, laptop, cabinet, abstract painting na maliit lang naman na nakasabit sa wall..

Hey Sir! I Love You! (FINISHED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora