C h a p t e r (49)

8.5K 160 11
                                    

Y U NO COMMENT GUYS ? </3

C h a p t e r (Forty Nine)

“Damn, I miss you so much.”

Huminga ako ng malalim.

1…

2…

3…

“Aray?!” agad siyang napalayo sakin at tiningnan ako na parang takang-taka siya sa ginawa ko.  “Bakit mo ako binatukan?” aniya habang hinihimas himas ang ulo.

Umirap ako. Kahit miss na miss ko na siya ay hindi ko parin maiwasang hindi mainis sa inasta niya kanina sa klase. Kung ituring niya ko parang wala ako doon! Para akong isang invisible!

Tumingin ako sakanya. “I miss you so much? Talaga lang ha?” hindi ko na maitago ang pagkairita ko.

Kumunot naman ang noo niya. “Hindi ka naniniwala sakin?”

Nagcross arms ako. “Pano ako maniniwala kung ganon ang inasta mo sakin kanina sa klase mo, ha?” kumunot lang lalo ang noo niya at hindi nakapagsalita. “Ano? Hindi ka ngayon makasagot?” ibinaling ko ang tingin sa unahan.

Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan niya.

“I’m sorry,” sincere niyang sabi dahilan para mag-init ang mga mata ko. Shiz. Na naman?!

“Hey,” naramdaman ko nalang na hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at iniharap sakanya. “You’re crying.” Pinunasan niya ang mga luha ko na nag-uunahan na sa pagtulo.

Sumimangot ako. “Ikaw kasi…” tiningnan niya lang ako na mukhang nag-aabang sa susunod kong sasabihin. “Trinato mo kong parang hindi nag-eexist sa klase mo kanina.”

Idinikit niya ang noo sa akin at pumikit habang hindi inaalis ang hawak sa magkabilang pisngi ko. “Sinadya ko talaga ‘yon.” He sighed.

Itinulak ko siya ng bahagya. “At bakit ha?! Alam mo bang bwisit na bwisit ako sayo kanina?!” singhal ko.

“What can I do? It’s the only way to stop myself from running towards you.” Sumandal siya sa upuan na parang pagod na pagod sa nangyari. Nakatingin lang siya sa unahan.

“Ha?” napanganga nalang ako sakanya.

“I’m afraid na sa oras na dumako ang tingin ko sayo, itigil ko nalang ang klase at hilahin nalang kita palabas don at iuwi sa bahay.” Ibinalik niya ang tingin sakin. “Naiintindihan mo ba?”

Hindi ako nakaimik. Okay? Bakit parang nagiguilty na ako?

Hey Sir! I Love You! (FINISHED)Where stories live. Discover now