C h a p t e r (42)

9.1K 195 5
                                    

^Nawala na ako sa timeline. Ha ha ha :(

C h a p t e r (Forty Two)

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Para akong nagising mula sa isang panaginip. Shit! Mali talaga ang ginawa ko! Maling-mali!

Wala na siya paggising ko kinabukasan. Hala. Ba’t ang aga naman niya? Tsaka kumain na ba ‘yun? Kung oo, anong kinain niya? Hindi naman siya marunong magluto ah.

SHIZ! Nakakabaliw naman yung ganito! Lalo na’t alam kong may malaki akong kasalanan na nagawa sakanya.

Ako nalang ang naghatid kay Shami sa school. Grabe, ganun ba talaga siya kagalit sakin at pati kay Shami naidamay niya na? Pano kung makipagbreak na siya dahil sakin dahil dun? Pano kung palayasin niya na kami ni Shami sa bahay? San na kami titira? San na kami pupulutin?!

Ahhhhhhhhh ayoko na! Ayoko nang mag-isip ng kung ano pa man! Mababaliw na talaga ako pag nagpatuloy pa to!

“Uy umayos na kayo! Andiyan na si Sir!” sigaw ni Nela kaya nagsiupuan na ang lahat. Mas lalo lang akong kinabahan. Shiiiiiiiiiiiiz. Sana lang makaraos ako! Sana talaga…

“Ooh, katakot takot ang aura ni Sir ngayon, ah?” narinig kong sabi ni baklito mula sa likod pero hindi ko nalang pinansin. Totoo, kulang nalang ay balutan ng itim na aura sa paligid si Jace pagkapasok na pagkapasok niya ng room. Binalot agad ako ng matinding guilt.

“Open your book on page 131…”

“Ano daw?”

“Hala magdidiscuss?!”

“Ano ba yan!”

Mahinang nagbulung-bulungan ang mga kaklase ko. Siyempre hindi naman nila masabi ng malakas yan, takot nalang nila kay Jace. Pero kahit naman bumulong sila, rinig pa rin naman e. -_-

Ayun nga at nagsimula na siyang magdiscuss doon. Seryoso at pokerface lang siya habang naglelesson. Ako naman ay nakapangalumbaba at nakatingin lang sakanya. Pero hindi niya man lang ako tinitingnan. Pag nagtatawag siya ng magbabasa, laging doon sa kabilang side. Para bang ingat na ingat siya na wag masalubong ang mata ko, ganun. Nakakainis. Alam ko may kasalanan ako pero hindi ko parin maiwasang hindi mabadtrip.

AYOKO NANG GANITO!


Nang may ipapabasa na ulit siyang problem ay agad akong nagtaas ng kamay. As in taas na taas.

“Sir, ako po magbabasa!” malakas kong sabi kaya napatingin ang mga kaklase ko sakin na para bang tinubuan ako ng kung ano sa muka. Siyempre, parang may milagro na nangyayari since heto ako ngayon at nagvovolunteer na magbasa. Not so me.

“Okay.” Ni hindi niya man lang ako tiningnan ng sabihin yan. Nakakainis na ha!

Padabog akong naupo sa upuan matapos basahin ang problem. Habang siya ay ineexplain ang isinulat na problem sa board. Bla bla bla! Wala na akong maintindihan sa pagkabadtrip. Pano kasi, ayaw niya akong tingnan! Oo na mababaw pero hindi ko talaga kayang ginaganito niya ako!

Hey Sir! I Love You! (FINISHED)Where stories live. Discover now