C h a p t e r (34)

11.1K 223 10
                                    

C h a p t e r (Thirty Four)

Hindi na kami sabay na pumasok ni Jace sa school. Tama na siguro yung isang beses, baka kasi may makahuli na talaga samin. Lalo na ngayon na may isa pang nakakaalam ng sikreto namin. Pag naaalala ko yung mga sinabi niya sakin kahapon, sumasakit lang ang ulo ko.

Papasok na sana ko sa room nang makita ko si Rui na nagbabasa ng kung ano man yun at wala akong pakialam. Shiiiz! Anong gagawin ko?!?!

Hingang malalim, Shara. Ang gagawin mo, hindi mo siya papansinin okay? Hindi mo papansinin. Kunwari walang Rui na nag-eexist sa classroom.

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa strap ng bag ko habang papasok sa loob ng room. Hindi ko alam pero sobra na naman yung ibinibigay na kaba sakin ni Rui, yung tipo ng kaba na pakiramdam mo ay may gagawin sayong masama.

Agad akong lumapit kay Geoff at tinapik siya sa balikat. Lumingon naman agad siya. “Uy, Sha.”

Napansin ko naman sa peripheral vision ko na tumingin sakin si Rui kaya napairap ako. “Oh, iirap irap ka diyan?”

“Tabi tayo,”

“Anong nakain mo at gusto mong tabi tayo?” nakataas kilay niyang tanong.

“Wala, masama ba? Miss na kita eh.”

“Yuck,” kunwari ay nanginig siya na parang diring diri siya sa sinabi ko. “May nakain ka nga.”

Ngumuso ako. “Dali na! Mukha namang absent yung katabi mo na may sariling mundo eh! Sige na!”

 

“Bakit ba ayaw mo sa upuan mo, ha?” sumulyap siya kay Rui at ibinalik ang tingin sakin. “May nangyari ba?”

Hindi ko pinansin ang tanong niya at inilapag nalang ang bag ko sa tabi niya. “Basta tabi na tayo ha!”

Umupo na ako at kumuha ng papel. Isinulat ko yung, Mamaya ko ikekwento sayo at mabilis na iniabot sakanya.

“Ano naman to?” sabay kuha dun sa papel. “Ang abnormal mo ngayon.”

Yeah, siguro nga ito ang side effect kapag nabubuking ka sa isang sikretong pinakaiingitan mo. Nagiging abnormal na.

Maya-maya pa ay dumating na yung Math terror teacher namin at nagsimula nang magdiscuss. Pinilit ko ang sariling makinig kahit nakakaantok talaga. Hindi ko alam kung bakit para sakin nakakaantok to samantalang para sa iba ay nakakabuhay ng dugo. Palibhasa gusto rin nilang dumugo ang utak. Haaay.

Pagtapos ng break ay Physics na. Wala namang masyadong nangyari. Nagdiscuss lang tapos lunchbreak na. Mabilis kong hinatak si Geoff palabas para maglunch pero laking gulat ko nalang nang kumapit sa braso niya si Skye.

Hey Sir! I Love You! (FINISHED)Where stories live. Discover now