C h a p t e r (o4)

21.5K 419 26
                                    

C h a p t e r (Four)

 

Badtrip akong pumasok sa school. Nalate pa nga ko kaya napagalitan tuloy ako. Extra badtrip! Eh bakit kasi masyado kong affected sa kung sino mang Trisha na yon? Paki ko ba kung may gf na si Sir? Ano ba niya ko? WALA! Responsibilidad lang niya naman ako, kami ni Shami to be exact, dahil nga magkaibigan ang mga parents namin na parehong namatay nung araw na yon. Yun lang naman ang meron samin!

Kaya ano bang pinuputok ng butsi ko?!

“Hey Sha!” nagulat ako nang biglang may umakbay sakin. Si Geoff pala. Hindi naman ako nailang. Alam ko na naman yung totoo kaya wala ng malisya no. Atsaka kahit di ko pa alam di naman talaga ako naiilang sakanya eh. “Anyare kagabe? Pinagalitan ka?” tumango nalang ako. Tinatamad ako makipag-usap ngayon eh. Siguro malapit na dalaw ko kaya ganto ako kasungit. “Eh? BV lang?”

Inirapan ko lang siya at tinawanan niya lang ako. Walangyang bakla to, tawanan ba daw ako?! Eh kung sinasapak ko to?!

“Ayan na si Sir!” sigaw ni Nela kaya nagsiayos na ang lahat. Oo nga pala, nakalimutan kong Physics na pala ang susunod na subject. Kung kailan naman BV ako kay Sir. Triple badtrip!

Umupo na ko sa upuan ko kasabay nung iba. Oo nga pala, takot pala sila dito kay Sir. Ang akala kasi nila, monster to. Sabagay, monster naman talaga pagdating dito sa school.

“Goodmorning class.” Halatang nagulat ang lahat sa biglang paggoodmorning ni Sir. Eh sinong hindi mabibigla?! Eh never yang naggoodmorning samin! At pag sinabi kong never, NEVER talaga!

“Shit. Is this happening for real?” OA na tanong ni Geoff na ako lang naman ata ang nakarinig. Anong meron? Ba’t good mood siya?

Bigla nalang nagpop up sa utak ko yung text message kanina.

So.. kaya pala siya good mood.. nagkita kasi sila nung girlfriend niya. Ganun ba yun?

Tumayo ulit kami para maggreet tsaka ulit naupo. Mas lalo lang ako nainis. Huhu. Malapit na nga siguro ang dalaw ko kaya ko nagkakaganto.

“Huy Sha. Anyare sayo?” bulong sakin ni Geoff mula sa likod. Dun ko napansin na pinagtitinginan na pala ko ng iba including Sir.

“Bakit?” anyare ba sakin?

“Bakit ka nagdadabog?”

 

“Huh?” ako, nagdadabog? Luh, di ko napansin!

“Is there any problem, Miss Valle?” napatingin ako kay Sir na ngayon ay nakatingin din sakin. Agad akong umiwas ng tingin.

“Wala po, Sir.”

 

“Alright. Let’s start then.”

Pinanood ko lang magdiscuss si Sir about dun sa Law chuchu whatever. Aba at ngiting-ngiti pa siya habang nagdidiscuss! Ganyan ba talaga ang epekto nung Trisha na yun sakanya?

Hey Sir! I Love You! (FINISHED)Where stories live. Discover now