C h a p t e r (32)

10.9K 209 6
                                    

C h a p t e r (Thirty Two)

Nakangiti lang ako habang mabilis na naglalakad papuntang classroom. Kung maglalakad ako na parang nagtotour lang, malamang sa malamang ay malelate na ako!

“Morning!” nagulat nalang ako ng nasa tabi ko na si Rui.

“Uy!” sabi ko nalang habang mabilis parin ang paglakad. At dahil mahaba naman ang legs niya, hindi siya nahirapan sa pagsabay sakin.

“Madaling-madali ah!” natatawa niyang sabi.

“Syempre! Malelate na kaya tayo!”

“5 minutes pa naman.” Nawala na naman yung mata niya dahil sa ngiti niya.

“Teka, wala kang practice?” lagi kasing wala to pag umaga, practice lagi sila ng soccer kaya nga marami rami na rin siyang absent. Pero okay lang naman din, hindi na naman masyadong nagpapaquiz at puro lecture at turo lang. Ito ang masaya dito sa school pag malapit na ang intrams. Dahil kailangan banatin physically, kailangan muna ipahinga mentally. Lol. Sabi lang naman nila yan!

“Wala. Rest day.” He shrugged. Medyo ilang parin ako sakanya. Alam niyo yung feeling na parang may alam siya sayo na hindi mo maintindihan na ewan. Ang gulo ko rin eh no!

“Ah.” Sa wakas ay dumating na rin kami sa classroom. Naabutan ko si Skye at Geoff na magkatabi doon. Mukang kinukulit ni Skye si baklito.

“Skye, bumalik ka nga sa upuan mo. Stop pestering Geoff.” Utos sakanya ni Rui sabay baba ng bag sa tabi ko.

“Whatever!” umirap lang siya at bumalik na sa upuan niya na tabi ni Nela.

Halos matawa naman ako sa nakabusangot na pagmumuka ni Geoff.

“Huy! Umagang umaga eh!”

“Bakit ka ba kinukulit ng kapatid ko?” tanong ni singkit sakanya.

“Wala.” Sabay irap. Tingnan mo to, tinatanong lang eh! Ang sungit!

Umiling nalang ako pero hindi parin naalis ang ngiti ko sa labi. Ewan ko ba, nangangalay na nga ako pero ayaw talagang maalis eh!

“Hoy ikaw, parang nanalo ka sa lotto ah.” Puna sakin ni Geoff.

“Hmm..” ngumisi ako. “Pwede rin!”

“Aba, aba. Gumaganyan ka na ha?” nakataas kilay niyang sabi. Bigla namang sumingit samin si Rui.

“Oo nga Shara, you look so happy today.” Ipinilig niya ang ulo niya at tiningnan akong mabuti.

Hey Sir! I Love You! (FINISHED)Where stories live. Discover now