C h a p t e r (18)

13.4K 320 28
                                    

C h a p t e r (Eighteen)

Medyo hinihingal hingal pa ako ng makarating sa school nila Shami. Ang alam ko sa court daw yung Family Day nila which is nasa loob kaya naglakad na ko papasok. Madali ko lang naman nahanap yung court at medyo madami ng tao. Karamihan ay mga magulang.

Nakaramdam ako ng inggit at selos. Buti pa sila. Kung sana andito pa sila Mama...

Ay Shara! Umayos ka nga! Para namang mababalik pa niyan ang mga magulang mo! Tanggapin mo na kasi…

Tanggapin mo na kasi na wala na sila…

Napailing nalang ako. Dapat hindi ako nag-iisip ng negative thoughts ngayon. Positive lang dapat! Ayokong makita ako ng kapatid kong ganito no!

Naglakad ako papasok at nakisiksik sa mga tao. Grabe naman bakit ang daming tao?! Asan naba sila Sir?! Nako naman! Mukang mahaba haba pang paghahanap to!

Tapos biglang nagpuntahan yung mga tao sa bleachers kaya nakigaya narin ako. Dun ako sa sa may taas sa pinakagilid. Aigoo, asan naba sila Sir? Saang lupa–

Natigilan ako ng biglang may tumunog na pito at may mga pumasok na mga lalaki. Mostly ay matatanda na. Mga nasa 30s or 40s, mga ganun na lalaki. Mga nakarubbershoes at shorts. Mukang magbabasketball ata.

Ini-scan ko yung court at baka mahagilap ko yung gwapong pagmumuka ni Jace and voila! Andun siya at… wow ha! Dami alam! May stretching pang nalalaman!

Ilang saglit lang ay nagsimula na yung game. Nakatingin lang talaga ko kay Sir. Wow, magaling palang magbasketball ang isang to! Siya na, siya na!

“Kyaaaaah!” sigaw ng dalawang babaeng hindi naman ganon kalayo sakin nung maka 3 points si Jace. Gusto nga din sumigaw pero pinigilan ko nalang sarili ko. Tiningnan ko yung dalawang babae, mukang mga 2 years lang ang tanda sakin nung dalawa. Teka, bakit may mga katulad nila dito?

Sabagay, hindi rin naman ako parent. Tsk.

Natapos na yung game at nanalo yung team nila ni Sir. Sa galing ba naman niyang magbasketball, malamang mananalo sila!

Okay, tama na. Masyado ko ng pinupuri si Sir. Este si Jace pala.

Papalapit na si Jace sa bleachers dun sa baba nang tumakbo papunta sakanya si Shami. “Daddy!” Siyempre yumakap ang kapatid ko. Nakita ko namang nagsmile siya at ginulo din ang buhok ng kapatid ko.

“Omg tatay na siya?! Di halata!” sabi nung isa sa mga babae kanina.

“Swerte nung nanay!”

“Ahem.” Hindi ko alam kung bakit napa-ahem ako pero saglit silang napatingin sakin tsaka ulit tumingin kay Jace.

Tss. Malalandi. Sorry sa term, kainis naman kasi sila!

Hey Sir! I Love You! (FINISHED)Where stories live. Discover now