C h a p t e r (3o)

11.1K 238 15
                                    

C h a p t e r (Thirty)

“Tell me Sha, what’s the problem?” matutulog na sana ako pero hinila ako ni Jace bago ako tuluyang pumasok sa kwarto. Kitang kita ko sa muka niya na nag-aalala siya para sakin at alam niyang may problema.

Napabuntong hininga ako. Hay. Ano ba? Sasabihin ko na ba?

Pero himbis na sabihin yung totoo, umiling lang ako. Kapag ba sinabi ko sakanya, may magbabago? Wala naman ata diba?

“You can’t lie to me anymore. Alam kong may problema. Ano ba yun? I want to help.” Dahan-dahan niya akong hinila papuntang sofa tsaka kami umupo. Inihiga niya naman ang ulo ko sa lap niya kaya nakatingin ako ngayon sa gwapo niyang muka. Parang tumatagos naman sa kaluluwa yung tingin ng black niyang mata.

“Now, tell me,” kinuha niya yung isa kong kamay at pinaglaruan. “What’s the problem?”

Napakagat labi ako. Nag-aalangan parin ako. Anong sasabihin ko? Na masyado akong apektado dun sa pinagsasasabi ng Trisha na yun, ganun?

“Hey,” nakasimangot niyang sabi.

“Uh… kasi…”

Nakataas lang ang kilay niya habang naghihintay sa susunod kong sasabihin.

“Anong mga ginagawa niyo non ni Trisha?”

Halatang nagulat siya sa tanong kong yon. Hindi ko naman kasi mapigilan! Para na rin masagot yung isa sa mga tanong sa isip ko diba?

“Bakit mo natanong yan?” nakakunot noo niyang tanong.

“Uhm, wala lang.”

“Wait… nagkita ba kayong dalawa?” umayos ako para makaupo. Hindi naman agad ako nakasagot. “Shara, answer me.” Tingnan niya akong mabuti.

Dahan-dahan akong tumango.

“What did she tell you?”

“W-wala naman…”

“Wala?” sarcastic siyang natawa. “Hindi ka naman aarte ng ganyan kung wala siyang sinabi sayo.”

Tama naman siya. Hay! Kainis naman!

 

“So what is it? Anong sinabi niya sayo?” mukang nainis naman siya dahil hindi parin ako nagsasalita. Parang nalunok ko na yung dila ko. “C’mon Sha, kung kaya ko lang hulaan kung anong nasa isip mo gagawin ko pero hindi. Ayoko namang manghula dahil wala akong kaide-idea kung ano man yan. Kaya gusto ko sayo manggaling.”

Hey Sir! I Love You! (FINISHED)Where stories live. Discover now