C h a p t e r (28)

11.3K 225 9
                                    

C h a p t e r (Twenty Eight)

It’s been two weeks at medyo naging busy kami o mas magandang sabihin na sila dahil sa nalalapit na intramurals. Wala akong sinalihang sports. Pinipilit nga ako ni Geoff na sumali daw sa volleyball team ng klase kaso ayoko. Matagal tagal na rin simula ng magvolleyball ako kaya hindi ko na sure kung marunong pa nga ako.

Two weeks na ang nakakalipas at okay na okay naman kami ni Jace. Kaso wala pa ring alam niyo na… sa lips… oo! Wala! Aba eh sisihin niyo siya wag ako!

Pansin ko namang mas madalas ng magkasama sila Skye at baklito. Nakakatuwa nga eh! Hihihi. Mukang magiging lalaki na talaga si Geoff! Sana talaga! Alam kong lalaki naman talaga yon eh! Kailangan niya lang siguro ng babae sa buhay niya. At nararamdaman kong si Skye na yon! Naks nemen!

Pero may something weird na nangyayari these past few days. Hindi ko alam kung napaparanoid lang ako o feeling ko may sumusunod talaga sakin. Alam niyo yun? Iba naman kasi talaga ang feeling kapag may sumusunod sayo.

One time nga sinabi ko na siya kay Jace.

“You better take care, Shara. You know I’m not always there para bantayan ka. May trabaho pa ako.” naisuklay niya ang mga daliri sa buhok. “Ba’t hindi ka nalang magpahatid kay Ramirez pauwi? O kaya magpasama? Para mas mapanatag naman ako.”

“Wag na. Kaya ko na naman siguro sarili ko.” Kahit na medyo natatakot din ako. Pero siyempre ayoko na siyang masyadong mastress no.

Siguro? I don’t trust that word, Sha. I need to be sure that you’ll be okay.” Shocks, parang pinagsisisihan ko tuloy na sinabi ko! Tingnan mo, pati tuloy siya napaparanoid!

“Okay lang ako. Promise!” tinaas ko pa yung kanang kamay ko at pinilit na ngumiti.

“Lika nga dito,”

“Bakit?” naguguluhan kong tanong.

“Dami pang tanong,” hinila niya ako palapit sakanya at niyakap. Ambango. Ganitong ganito yung amoy na naamoy ko sa jacket niya nun sa Tagaytay. Nakakaadik.

“Uh, bakit?” tanong ko kahit hindi na bago sakin to.

Narinig ko naman ang pagngiti niya. “Wala lang, masama na bang yakapin ang girlfriend ko?”

Shiz. Alam ko, nagbublush na ako ngayon!

“K-kainis ka…” pinapakilig mo kasi ako! Kainis!

“Bakit? Kasi kinikilig ka?” alam kong nakangisi na siya niyan. Wag niyo ng itanong kung bakit ko alam, basta feeling ko talaga!

“Hindi no! Kapal!” hinampas ko siya sa likod habang tumatawa.

Hey Sir! I Love You! (FINISHED)Where stories live. Discover now