C h a p t e r (5o)

9.4K 185 7
                                    

HUHU. GUYS? MASYADO NA BANG MAHABA TONG KWENTO? ANG BORING NA BA? ANSWER ME JEBAL!! :( :(

C h a p t e r (Fifty)

Mga 10 minutes din akong naghintay sa waiting shed bago tuluyang dumating ang sasakyan ni tita. Nakita kong andun na pala ang kapatid  ko sa loob kaya pumasok na ako kahit labag man sa loob ko.

“Ate, ate! Nakita mo ba si daddy?!” excited na tanong sakin ng kapatid ko habang hinihila hila ang palda ko. Tinanguan ko siya at nginitian.  “Talaga po ate?!” halos magningning na ang mga mata ng kapatid ko. “Ano po sabi niya?!”

“Miss ka na raw niya,” tsaka ko siya nilapit papunta sakin.

“Miss ko na rin po siya ate. Sana bumalik na tayo sakanya,” malungkot na saad ng kapatid ko. Hindi ko na naman maiwasang hindi malungkot. Nakakahawa kasi pag nalulungkot si Shami. Dapat talaga hindi niya nararanasan ang ganitong lungkot e.

“So nagkita pala kayo ni Jace, Shara?” nakita kong nagtaas-kilay ang tiyahin ko sakin sa salamin. Grrrr…

“May Physics subject po kami ngayon,” sagot ko nalang. Tinatamad ako sakanyang makipag-usap. Alam ko, parang ang sama ko naman dahil una sa lahat ay tita ko siya at kapatid siya ni mama pero masisisi niyo ba kung ganito ako?

“Bakit ba hindi mo pa kasi hiwalayan yon?” mas lalo akong nabadtrip sa narinig. Pinili kong hindi nalang siya sagutin. “Marami ka pa namang makikita diyan na mga ka-edad mo lang. Atsaka bata ka pa, yang mga ganyang bagay hindi pa dapat sinerseryoso yan.”

Kainis! Gusto ko siyang sigawan na ANO BANG PAKIALAM NIYO?! ANO BANG ALAM NIYO SA NARARAMDAMAN KO? SA NARARAMDAMAN NAMIN, HA?!

Pero syempre hindi ko ‘yon magawa. Kahit gano pa ko kainis sa tita kong bruha ay kailangan ko paring igalang siya.

Badtrip!

 

“Atsaka isa pa, aalis narin naman tayo.”

Mahina lang yung pagkakasabi niya pero narinig ko parin. Kinabahan agad ako. “Anong ibig niyong sabihin?” pero hindi na siya umimik at nagpatuloy na sa pagdrive.

Mga isa’t-kalahating oras din ang biyahe bago kami tuluyang nakauwi sa bahay kaya naman pagod na pagod agad ako. Matapos magbihis ay humilata lang kaming pareho ni Shami. Agad siyang nakatulog pero ako hindi... nagwoworry parin ako sa narinig kong sinabi ni tita kanina. Shiz. Anong aalis? Anong ibig niyang sabihin?!

Sa kaba ko ay agad akong lumabas ng bahay at nagpaload sa pinakamalapit na tindahan. Pagkabalik ng bahay ay tinawagan ko agad si Jace.

Nakatatlong ring bago niya iyon tuluyang sagutin.

“Akala ko wala kang load,” natatawa niyang bungad sakin sa kabilang linya.

Hey Sir! I Love You! (FINISHED)Where stories live. Discover now