C h a p t e r (52)

9.1K 205 7
                                    

C h a p t e r (Fifty Two)

Hindi na ako mapakali sa upuan ko. Gusto ko sana siyang silipin pero alam kong hindi ko naman magagawa kasi  nga  ako ang nandito sa window seat. Naku naman!

Binasa ko ulit yung message.

Jace <3: But I’m jealous right now. Extremely jealous.

Napalunok ako at sinimulang magtype ng message.

Ako: Bakit? O.O

“Kumpleto na ba lahat?” sigaw nung matandang lalaki na teacher at isa-isang binilang ang mga estudyante. Sumenyas siya na okay na at maya-maya lang ay umandar na ang bus. Nagvibrate naman ulit ang phone ko kaya binasa ko ang message. Buti nalang talaga may load ako ngayon!

Jace <3: I thought you’re not going? Bakit yang hapon na yan ang sumundo sayo? You could have told me, you know?

Nakagat ko ang ibabang labi. Patay! Galit ba siya?

Jace <3: Ayaw mo bang ako ang sumundo sayo?

Napapikit ako ng mariin at kulang nalang iuntog ko ng paulit-ulit ang ulo ko sa bintana. Shunga mo naman kasi Shara! Ayan, pasurprise surprise ka pang nalalaman! Nagalit tuloy sayo!

Ako: Hala, hindi naman sa gnon! Gusto lang nman ktang isurprise eh! .__.

Jace <3: Well you really surprise me there.

SHIZ. ANO NANG GAGAWIN KO?!

Gusto ko sanang sumugod sa upuan niya para humingi ng sorry pero hindi naman pwede yon! Tss. Kasalanan ko talaga! Nakakainis!

Ako: Galit kba? :(

Walang reply galing sakanya kaya napabuntong-hininga nalang ako. Ano ba naman to. Mukang di ko maeenjoy ang fieldtrip ko, ah?

“You okay?” tanong sakin ni singkit at inalis ang earphone na nakasalpak sa tenga niya.

Tumango naman ako.

“Sigurado ka?”

“Oo nga!” tumawa ako ng pilit. “Ay, may tatanong pala ko.”

Nakatingin lang siya sakin.

“Bakit ikaw ang sumundo sakin kanina? Bakit.. bakit hindi si Geoff?”

“Ah,” ngumiti muna siya kaya nawala na naman yung mga mata niya. “You see, nawrong send sakin kanina si Geofferson.” Tumawa siya ng mahina.

Hey Sir! I Love You! (FINISHED)Where stories live. Discover now