C h a p t e r (33)

11.3K 231 12
                                    

Kaway kaway sa new cover! Honggondo diba? *0* Punta kayong external link kung gusto niyo ding magpagawa. *0*

C h a p t e r (Thirty Three)

Paulit ulit ko lang na tinatap ang ballpen sa desk. Nag-iisip ako ng maigi kung sinong ilalagay ko sa essay na pinapagawa ni Jace na ayon sakanya ay pinapagawa daw ni Ma’am Alvarez. Talaga lang ha?

Bahagya namang gumalaw ang upuan ko sa pagsipa ni Geoff mula sa likod.

“Ano?” bulong ko.

“Ang ingay ng ballpen mo!” bulong niya pabalik.

Umirap nalang ako at tumigil. Hmm...

Tiningnan ko ulit ang title ng essay na nakasulat sa paper ko.

“Who is the person that you admire the most?”

Hindi ko alam kung paano kami humantong sa ganoong activity samantalang wala namang kaconnect connect yung story na binasa ni Skye kanina. About Greek mythology kaya yun.

Muntik ko ng masampal ang sarili nang marealize na hindi ko na pala kailangang mag-isip. Kasi isang tao lang naman talaga ang hinahangaan ko. Walang iba kundi si…

Nagsimula na akong magsulat tungkol sakanya. Hindi ako nagmention ng kahit anong pangalan, basta idinsecribe ko siya sa kahit anong paraan na kaya ko. Pero gusto kong maging honest, gusto kong sabihin na naappreciate ko ang lahat ng ginagawa niya para samin.

“Okay, pass your papers.” Sabi niya after mga 30 minutes.

Shiz. Ang bilis naman! Hindi pa nga ako tapos!

Mga dalawang sentence pa ata yung nasulat ko bago tapusin yung essay. Nakasimangot kong ipinasa ang paper sakanya.

“Any problem, Ms. Valle?” tanong niya pagkapalag ko nung paper sa desk.

“Uhm, wala naman po.” Kagat labi kong sagot.

Mukang may sasabihin pa ata siya pero hindi na natuloy nang biglang sumingit si Skye.

“Sir! Here’s my paper!” she giggled habang iniaabot kay Jace yung kanya.

“Pakilapag nalang sa desk, Ms. Matsumoto.”

“Okay Sir!”

Hindi ko maiwasang hindi mapailing nang makabalik na ko sa upuan. Naiirita ako ngayon kay Skye at ayoko naman ng pakiramdam na to. Ang immature ko nga ata. Naman oh.

“Geoff naman kasi!” nakanguso akong humarap kay baklito. Kainis!

Hey Sir! I Love You! (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon