C h a p t e r (38)

9.7K 203 6
                                    

C h a p t e r (Thirty Eight)

Anong oras na pero hindi parin umuuwi si Jace. Shiz! Ano na bang nangyari don? At bakit ang tagal niya naman? Nakakakaba na ah!

Pinagmasdan ko nalang si Shami na mahimbing na natutulog. Buti nga at mukang nakatulog na eh. Kanina pa kasi ‘to tanong ng tanong kung nasan and Daddy Jace niya. Ano namang isasagot ko? Eh hindi ko naman alam. Wala naman akong nareceive na text galing sakanya o kaya tawag. Kainis!

“Daddy…” nakakunot noong sambit ni Shami. Mukang hanggang sa panaginip niya hinahanap niya parin si Jace.

Hinaplos haplos ko nalang ang buhok niya at tumingin ulit sa relo. 11:20 na! Dapat natutulog na ko nito, eh! Buti nalang at hindi ako participant sa intrams bukas kaya okay lang kung hindi ako magpakita doon. Pero yung lalaking ‘yun?! Haynako!

Bumibigay na ang mata ko nang marinig ang tunog ng sasakyan. Shiz! Siya na yun!

Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ni Shami mula sa lap ko at ipinatong sa unan. Halos madulas naman ako nang tumakbo papunta sa pinto. Nasalubong ko siya at halatang pagod na pagod. Anyareh?

“Ba’t gising ka pa?” tanong niya pagkapasok sa pinto.

“Eh bakit ang tagal mo?” nagcross arms ako. “San ka ba galing?”

Hindi siya sumagot. Naglakad siya papuntang sofa at ibinagsak ang sarili. Akala ko nga masisira na yung sofa sa lakas ng pagkakabagsak niya eh! Hay. Sobra siguro siyang napagod.

Agad naman akong sumunod.

“Huy! San ka ba galing?” pangungulit ko habang tinatanggal yung sapatos niya. Ha! Hindi kita tatantanan!

“Diyan lang.”

“Psh. Diyan lang pero ang tagal mo?” tinaasan ko siya ng kilay kahit hindi niya naman nakikita.

“Matulog ka na.”

“Kainis ‘to! Ayaw sagutin yung tanong ko!” napasimangot ako. “Teka, kumain ka na ba?”

“Busog pa ko.”

Nakagat ko ang ibabang labi. Parang gusto kong maiyak sa inis! Bakit pakiramdam ko ang cold niya sakin?

“Bakit ang cold mo sakin?” diniretso ko na.

Mukang hindi niya inexpect ang tanong kong ‘yon kaya napadilat siya at diretsong tumitig sakin.

“Am I?” hinila niya ako para maupo sa tabi niya. He sighed. “I’m sorry…” hinawakan niya ang gilid ng ulo ko at isinandal sa balikat niya. “I’m just tired.”

Hey Sir! I Love You! (FINISHED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ