C h a p t e r (53)

Start from the beginning
                                    

Bigla akong nawalan ng lakas. Hindi na ako makapagsalita at patuloy nalang ang pagdaloy ng aking mga luha.

“Pag-isipan mong mabuti Shara, habang maaga pa. Habang wala pang sobrang malala na nangyayari.” Iniwan niya ako doon at wala akong nagawa kundi ang mapaupo at pulutin ang litrato.

Tinitigan ko iyon. Nakangiti pa ako ng palabas ako ng sasakyan ni Jace. Natatakot ako. Anong sasabihin ko kapag kinausap na kami ng principal?

Pinunasan ko ang mga luha ko at tumayo na para pumuntang kwarto. Nadatnan ko doon ang kapatid ko na gising pa at nakatulala. Agad akong lumapit sakanya.

“Shami…” tawag ko sabay upo sa tabi niya.

“Ate, narinig po kitang umiiyak.” Lumapit siya sakin para punasan ang mga luhang natira sa pisngi ko. “Okay ka lang ba? Bakit ka umiyak? Anong ginawa sayo ni tita?” sunod-sunod niyang tanong. Hindi ko alam kung paano sasagot kaya hinila ko nalang siya papunta sakin at niyakap.

“Ikaw? Okay ka lang ba?” hinaplos haplos ko ang buhok niyang mahaba na pala. “Hindi ka ba sinaktan ni tita?” malaman ko lang na pinagbuhatan din siya ng kamay ng tiyahin ko, hindi ko alam kung anong pwede kong gawin.

Mabilis siyang umiling. “Hindi po ate.” Umalis siya sa pagkakayakap ko at tumingin sakin. “Namumula ate.” Turo niya sa pisngi kong nasampal kanina. “Masakit ba?”

Tumango-tango ako.

“Kiss ko nalang para mawala yung sakit, gusto mo?” napangiti ako at tumango ulit sakanya. “Eto na ang super kiss ko ate!” pumikit siya at ngumuso kaya hindi ko napigilan ang pagkawala ng mahina kong tawa. “Get ready ate! Mawawala na ang sakit! In 5…” unti-unti siyang lumapit. “4.. 3.. 2.. 1!” lumapat ang labi niya sa pisngi ko. Maya-maya lang ay dumilat na siya. “Ano ate? Effective ba?!” excited niyang tanong.

Ngumiti ako. “Mm! Effective! Ang galing ng kapatid ko ah! Magdoctor ka nalang kaya?!”

Nagpout siya. “Pero takot po ako sa dugo!”

Binasahan ko nalang ng libro ang kapatid ko bago siya makatulog. Sinilip ko ang cellphone ko at nakitang may 15 missed calls doon. Galing lahat kay Jace. Mayroon namang 10 messages galing sakanya.

Binasa ko yung pinakalatest.

Jace <3: Dammit! Y aren’t u answering my goddamn calls?!

Napasimangot ako. Mukang galit na naman siya. Hindi kaya… hindi kaya may pinadala rin sakanyang picture?

Mabilis akong nagtype ng message.

Ako: Sorry.

Pagkasend na pagkasend ko non ay nagvibrate ang phone ko. Tumatawag siya!

Ilang segundo ko rin iyong tinitigan bago napagpasiyahang sagutin.

Hey Sir! I Love You! (FINISHED)Where stories live. Discover now