Ch25: The Party [Part 3]

Start from the beginning
                                    

Umupo kami sa may mga chairs malapit dun sa may gilid nan g pool kaharap ko siya ngayon at kitang kita sa mga mata niya kung gaano siya kasaya

“Thank you and Sorry”

Yung ngiti niya kanina nawala, nakita kong nakasalubong na yung dalawang kilay niya

“What are you talking about Chelsea?”

“Thank you….thank you for everything”

“Thank you kasi lagi kang nandyan sa tabi ko, thank you kasi alam kong lahat ng sinasabi mo at ginagawa mo para sakin ay totoo, thank you kasi kahit na napaka drama girl ko hindi mo pa rin ako iniiwan, thank you kasi alam ko na minahal, mahal at mamahalin mo ko ng buong buo”

Hindi pa rin siya umiimik at nakatingin lang siya sakin na para bang tinatantsa kung ano yung gusto kong iparating

“Sorry kasi….kasi pakiramdam ko wala akong kwentang babae, sorry kasi feeling ko hindi ko masuklian lahat ng pagmamahal na binibigay mo sakin, sorry kasi wala ako nung panahon na kailangan mo ko, sorry kasi kailangan kitang iwan ngayon”

 

“WHAT?!”

Kitang kita yung gulat sa expression ni Jake ngayon, tumayo siya sa pagkakaupo niya at mukang galit na galit

“I’m leaving Jake”

 

“I’m going to America and I don’t know when I will be back”

 

“Chelsea….”

 

“May kailangan akong asikasuhin dun Jake, kaya nga ngayon pa lang nagsosorry na ko”

 

“Pero….you’re gonna be back right? Chelsea!”

Hinawakan niya yung kanang braso ko na para bang hinihila ako patayo, masakit yung ginagawa niya sakin pero alam kong mas masakit yung nararamdaman niya ngayon

“I don’t know…..i really don’t know”

Her Secret BoyfriendWhere stories live. Discover now