Ch12: Kahit Ngayon Lang

2.3K 44 3
                                    

Saktong 4 nakarating na kami dito sa MOA, hindi naman talaga kami magshoshopping pero kailangan ko kasi bumili ng damit na pampalit, yung suot ko kasi ngayon yung dress na sinuot ko nung dance, alangan naman kasing yung t-shirt yung isuot ko diba? Buti sana kung sa beach kami pupunta eh hindi naman

Pumunta ako sa isang store at nagshopping…oo nagshopping, natuwa kasi ako sa dami ng magagandang damit tapos sale pa sila ngayon.

Pagkatapos ko sa pamimili pumunta muna kami sa Cr, syempre kailangan maghintay ni Jake sa labas. Habang nagbibihis ako tinignan ko yung mga pinamili ko, 3 pairs of  short, pants and shirt tsaka 2 dress, napadami pala yung bili ko (-___-“)

Nagpalit ako sa isang simple shorts at shirt pero syempre yung sapatos ko yung heels pa rin, bagay naman kaya ok lang. pagkalabas ko ng Cr wala na dun si Jake

Hala! Iniwan ako? parang 15 minutes lang hindi makapaghintay? (_ _ )

Pinagtyagaan kong hintayin siya dito, baka kasi na-cr lang din kaya ganun. After AFFGFGGDSFSDCSD years dumating din siya!

“San ka ba galing?”

Ang lakas ng loob kong magalit no? paghintayin ba naman ako ng 3 minutes. WAHAHAHA! Alam kong bale wala lang yung 3 minutes kumpara sa 15 minutes ko pero hindi dapat pinaghihintay ang babae. Diba? Diba? (^_^)

“Kanina ka pa ba? sorry ha, bumili lang ako ng ice cream, feeling ko kasi matagal ka pa kaya bumili muna ako….oh eto oh”

Inabot sakin ni Jake yung isang vanilla ice cream, parehong vanilla yung inorder niya, buti nalang second favorite ko ang vanilla kaya ok na sakin to

“Thank you”

“Halika na?”

Tumango ako sakanya habang nakangiti, kinuha ni Jake yung ilang paper bags ko para hindi na daw ako mahirapan, napaisip tuloy ako

Bakit hindi nalang tayo ang nagkagustuhan sa isa’t-isa? Eh di sana wala tayong inaalala ngayon…

Hinawakan ni Jake yung wrist ko habang may hawak pa rin siyang paper bag, hinatak ako ni Jake or should I say, kinaladkad niya ko.. oo kaladkad talaga! Buti nalang ubos na yung ice cream ko kung hindi mamaya nalusaw na lahat lahat yun hindi ko pa nakakain (-__-)

Napatingin ako sa isang malaking bagay na nasa harapan namin ngayon. ANG LAKIIIIIII! (*.*)

“Sasakay tayo diyan?”

Tinanong ko siya with matching beautiful eyes

“Hindi…….pero since nakapila na tayo…..hindi pa rin tayo sasakay, nahiya naman ako sayo mamaya kasi ayaw mo sumaka----ARAY!”

Binatukan ko nga, napaka pilosopo nito, nagtatanong ng maayos eh.

Sumakay na kami nung giant ferris wheel, libre daw niya eh kaya mas lalo akong natuwa, pagpasok pa namin ang lamiiiigg. Naka-aircon na pala tong ferris wheel na to, nung huling research ko wala pa daw tong aircon. YUP! Nagreresearch ako! natuwa kasi ako nung sinabi ng classmate ko na maganda daw yun kaya nag research agad ako.

“WHOAAA!”

Yun lang ang masasabi ko…ang ganda kasi…ang ganda nung view, feeling ko ang tangkad ko…

All this time hindi nakatingin si Jake sa view, nakatingin siya sakin, buti na nga lang at may iba akong pwedeng titigan kaya hindi ko na masyadong pinapansin yun. Pero infairness kinikilig ang lola niyo (>////<)

Pagkababa namin ng ride bigla naman bumukas yung ilaw nung ferris wheel, ang gandaa, kitang kita yung ilaw dahil madalim na

Niyaya ako ni Jake na kumain muna daw kami bago kami umuwi, syempre pumayag ako, eh nagugutom na ko eh, past 8 na tapos kanina pa kaming 4 nandito.

Her Secret BoyfriendWhere stories live. Discover now