Ch17: Isang Pagkakataon

2.2K 47 5
                                    

Patrick’s POV

Halos isang buwan ng nagkakaganyan si Maddy, gusto ko siyang pigilan, pero sa tuwing nakikita ko siya ang lagging unang pumapasok sa isip ko ay ‘kasalanan ko naman kung bakit siya ganyan’

Hindi ko alam na ganito ang magiging epekto sakanya lahat ng ginawa ko, aaminin ko, mahal ko pa rin siya pero hindi ko alam kung karapatdapat pa rin ako sakanya, gusto ko siyang kausapin para tigilan na niya to pero alam kong hindi niya ako papansinin

Nasa canteen ako ngayon ng Makita kong may kahalikan si Maddy, sa tuwing makikita ko yung ganyang eksena nawawalan ako ng gana, nakita kong bumababa yung kamay ng lalaking yun, pupuntahan ko n asana sila ng biglang may sumuntok dun sa lalaki, biglang hinila ni Jake si Maddy paalis ng canteen

Naiinis ako sa sarili ko kasi ang duwag duwag ko, hindi ko man lang magawang ipaglaban yung babaeng gusto ko, natatakot kasi ako na baka pag dating ng panahon may mangyaring hindi maganda

Alam kong nasaktan ko siya, pero sa lahat ng nangyayari mas nasasaktan ako

Pagkalabas ko ng building nakita ko sila Gabby na masaya, napansin ko din na kasama na nila si Maddy, mabuti naman at nagkaayos na sila, sana kami rin ni Maddy pero alam kong imposible

Pagpasok ko kinabukasan sa school nilapitan agad ako ni Chelsea may binigay siya saking isang letter, para siyang invitation

[Meet me today at **** resto at exacty 8 pm]

Ano kayang meron? Weird pero syempre pupunta pa rin ako, hindi ko pwedeng balewalain to, marami na rin kasing naitulong si Chelsea sakin, maski yung kaligayahan niya na sacrifice na niya para lang tulungan ako

Umuwi agad ako ng bahay after ng class, bukod kasi sa meeting namin mamaya ni Chelsea, wala na rin naman akong gagawin dun, dumeretso ako sa kwarto ko para gawin agad yung mga assignment ng may mapansin ako sa cabinet ko

Napangiti ako ng makita ko ang singsing na ginamit namin nung nasali kami ni Maddy sa marriage booth ng third year, nakita ko din yung picture kung saan nag papalitan kami ni Maddy ng singsing. Eto yung pinapangarap ko ngayon ang makasal sa babaeng mahal ko pero hindi pwede, bakit kasi nauso pa ang arrange marriage nay an eh, ay hindi bakit kasi naging mayaman ako, pwede naming simpleng tao lang ako na pwedeng mahalin ang kahit sino

Sana kung sino man ang mapakasalan ko maintindihan niya sana na may iba akong mahal at hindi ganun kadali na mag mahal ng iba

Sinuot ko yung singsing ko at nag-ayos na ko ng sarili ko, 30 minutes na lang kasi 8 na, hindi ko alam pero parang may nag-urge sakin na suotin to ngayon, pero siguro ito na yung huling suot ko dito

Nakarating ako ng mga 10 minutes earlier bago mag 8, tinuro sakin nung server kung saan yung table namin, nakapagpareserve pala dito si Chelsea

8:10 na pero wala parin si Chelsea, natraffic siguro, napatingin ako sa may pinto nagulat ako sa nakita ko, hindi si Chelsea ang dumating kung hindi si

“Maddy?”

Napatayo ako ng wala sa oras, anong ginagawa niya dito? Teka, sinet-up ba to ni Chelsea?

Pagkatawag ko sakanya lumapit siya sakin at inirapan ako bago siya umupo, this time sure na ko, pakana to ni Chelsea.

“Anong ginagawa mo dito?”

“Masama? Sayo ba tong resto na to?”

Hindi siya makatingin sakin ng matagalan, pag mag memeet yung mga mata namin iirapan niya lang ako

“Seryoso ako Maddy, bakit. Ka. Nandito?”

“Dahil. Kailangan. Natin. Mag-usap ”

Bigla akong dinapuan ng kaba, anong pag-uusapan namin? Ipapamuka ba niya sakin lahat ng ginawa ko?

“Bakit mo ko nagawang lokohin?”

Kung kanina hindi niya magawang tumingin sakin, ngayon hindi siya kumukurap habang nakatingin sakin

“Dahil ayoko na sayo”

“Wag mo nga akong pinaglololoko, alam ko na ang lahat”

Nagulat ako sa mga sinabi niya, lahat? Sinong nagsabi?

“Sinabi sakin lahat ni Chelsea, pero hindi niya sinabi sakin kung bakit kaya nandito ako para malaman kung bakit”

Hindi ko alam kung sasabihin ko, magpapakaduwag ba ko? hahayaan ko bang malayo ulit si Maddy sakin?

“Makinig ka sa lahat ng sasabihin ko”

Ngayon, ako naman ang hindi kumukurap sakanya, ngayon ko sisimulan maging isang matapang na lalaki, ngayon ko sisimulan ipaglaban siya

“Ginawa ko yun dahil nalaman ni mama yung tungkol satin, hindi ko alam kung paano pero maniwala ka sakin sinabi k okay mama kung gaano ako kaseryoso sayo, kung gaano ako kasaya pag kasama ka pero wala, lahat ng yun binalewala ni mama dahil sa pesteng babae na papakasalan ko, sinabi niya sakin na pag hindi kita nagawang ilayo sakin idrodrop ka niya sa school kaya gumawa ako ng paraan para malayo ang loob mo sakin”

Habang pinapaliwanag ko sakanya, kitang kita yung pagkagulat niya

“Bakit hindi mo nalang ipinaliwanag sakin? bakit kailangan ko pang masaktan? Pwede naman sabihin mo na ‘Maddy ayaw sayo ng mama ko kaya iiwan na kita’ kaysa yung harap harapan mong ipinamumuka sakin na wala akong halaga sayo…masakit Patrick….sobrang sakit”

Hinawakan ko yung kamay niya na nasa table, hindi naman niya inalis yung hawak ko pero nakatingin siya sa kamay ko habang nagsasalita

“Akala ko dati may mali sakin kaya mo ko niloko, akala ko magpapaliwanag ka sakin na hindi mo sinasadya, akala ko dati hindi mo ko masasaktan. Pero lahat ng yun akala lang, lahat ng yun isang maling akala, isang malaking sampal sa muka”

Nagsisimula na siyang umiyak, nilapit ko ang sarili ko ng kaunti sakanya at pinunasan ang mga luha na tumutulo sa muka niya

“Binago ko yung sarili ko sa pag-asang makakalimutan kita, tinuon ko yung atensyon ko sa iba dahil akala ko pag ginawa ko yun, mawawala yung pagmamahal ko sayo pero hindi eh, hindi Patrick dahil hanggang ngayon, kahit sino pa ang makilala ko iisa lang ang sinisigaw ng puso ko at ikaw yun, walang iba kung hindi ikaw lang”

Tumingin siya sa mga mata ko at binigyan ako ng isang ngiti, ngiti na alam kong sakin lang, ngiti na matagal kong hindi nakita, ngiti na punong puno ng pagmamahal

Tumayo ako at lumuhod sa harapan niya

“Maddy, one more chance, isang pang pagkakataon para patunayan ko ang sarili ko sayo, isa pang pagkakataon para ipaglaban ka, pangako hindi masasayang ang pagkakataon na ibibigay mo sakin, please?”

Tumango siya ng marahan pero patuloy pa rin ang pagluha niya, tumayo ako para yakapin siya, sa pagkakataong ito hindi na ko magiging duwag, hindi na ko aatras, gagawin ko ang lahat para kay Maddy, wala na kong pakealam sa sasabihin nila mama basta ipaglalaban ko siya, at gagawin ko ang lahat para maprotektahan siya

“Salamat, mahal na mahal kita Maddison”

---------------------------------------------------------------------

[A/N]: Sila nga ba hanggang huli? sino nga ba ang mapapangasawa ni Patrick? Makikilala niyo na siya sooooooooooooooooooooooooooooooooooon! (~.~)v

Enjoy! Keep on reading!

love-love

~Jaz

Her Secret BoyfriendWhere stories live. Discover now