Ch13: Ang Ebidensya

2.2K 46 3
                                    

“Maddy!!”

Nilingon ko yung taong tumawag sakin, shocks! Sila Gabby! For sure magtatanong yun. (-_-) nginitian ko nalang sila

“Anong nangyari sayo? After nung sinabi mong pupunta ka ng cr nawala ka na” – Gabby

“Oo nga..hindi ka rin sumasagot sa mga text at tawag naming sayo” – Renzie

“At isa pa….bakit wala ka sa bahay nung Saturday?!” – Cherry

PATAY! Anong sasabihin ko? Shopping day pala naming dapat nung Saturday!!! Nakalimutan ko.. (O.o)

“Ah….eh…”

Sabay sabay nila akong tinaasan ng kilay, ano to contest ng kung sino pinakamataas? Ok, tama na, corny na….pero kasi….anong sasabihin ko?

“Oh..hi Patrick!” – Renzie

Ngumiti lang siya kay Renzie at tumingin sakin, pero binawi niya agad yung tingin niya at saka naglakad paalis

“Problema nun?” – Renzie

“Wait..wait…wait!!! don’t tell me may hinding nangyaring maganda nung foundation dance?” – Gabby

Ang galing talaga manghula ni Gabby….pero ayoko muna kasing pag-usapan yun eh.. alam ko kasing nasa denial stage pa ko…iniisip ko kasi na baka may dahilan si Patrick kung bakit niya nagawa yun…

Pero simula nung sabado hanggang ngayon naghihintay pa rin ako ng explanation pero ni isang text or miss call, wala man lang.

Ngumiti ako kila Cherry ng isang maganda ngunit pekeng ngiti, ayoko kasi na mag-alala pa sila

“Wala no…halina na kayo, mag-uumpisa na yung first class”

Hinatak ko na yung mga kamay nila papunta ng room, pagpasok namin nadatnan naming magkatabi sila Patrick at Chelsea, pero ang mas masakit pa, masaya silang nagkwekwentuhan

Hindi ko na pinansin pa yun at umupo na ko sa upuan ko, tumingin ako kila Gabby, alam kong nakahalata na sila na may nangyari ngang hindi maganda, pero nginitian ko na lang sila para wag na silang mag-alala pa

Natapos ang dalawang subject na lutang ang isip ko, hindi ko kasi alam kung makakapagconcentrate pa ko, mas nangingibabaw kasi yung sakit na nararamdaman ko,

“Sexy!”

Nakakalungkot lang kasing isipin na may ibang babaeng nagpapasaya sakanya

“Hoy Sexy!!”

Pero kahit anong gawin kong isip hindi ko parin talaga magets kung bakit niya nagawa yun

“HOOOOY!”

“AYYY WALANG HIYA!”

Sabay sabay naman nagtawanan yung mga classmate namin

“Walang hiya ka pala Jake eh” – Guy 1

“HAHAHAHA!! Kawawang Jake” – Guy 2

“Gag*!” – Jake

Kung maka HOY naman kasi akala mo ang layo layo ko, banas tong mushroom na to!

“Bakit ba kasi bigla bigla ka nalang sumusulpot?”

“Kanina pa kaya tinatawag, hindi ka nga tumitingin eh”

Kumuha siya ng upuan at nilapit ito sa may tabi ko

“Wala naman akong naririnig na tumatawag ng Maddy ah”

“Hindi kasi Maddy yung tawag ko sayo”

“Eh ano?”

Aba! Kung makangiti akala mo wala ng bukas.. PSH!

“Sexy”

Kumindat pa!! sumosobra na to ah..teka.. ano daw tawag niya sakin?

“ARAY!! Bakit ka nambabatok?”

“Tama ba naman na yun itawag mo sakin?”

“Eh sexy ka naman talaga diba? OUCH! Nakakadalawa ka na ha!”

Binatukan ko nga ulit, tignan daw ba ko mula ulo hanggang paa, naalala ko nanaman tuloy yung nangyari nung sabado.. SIYA PA NAMAN YUNG UNANG LALAKING NAKAKITA NG KATAWAN KO! (-__-“)

“WAHAHAHAHA! ANG PULA NANAMAN NG MUKA MO MADDY SEXY!!”

WAAAAH!! AYOKO NA!! NAKAKAINIS SIYA!! Lalamunin ata ako ng lupa sa tuwing tinatawag niya kong sexy.. (T_T)

“Hoyy! Muka kang baliw diyan Jake, tawa ka ng tawa” – Renzie

“Oo nga…mamaya kakatawa mo diyan may kung anong masamang hangin ang lumaganap dito” – Cherry

“Teka…bakit ang pula ng muka mo Maddy?” – Gabby

“Si Jake kasi!! Kanina pa ko inaasar!” – ako

Kumuha din ng upuan sila Cherry at nilapit ito sakin, nakabilog na silang apat sakin

“OMYYYYGASSSSSSSH! ANO YAN?!” – Gabby

May tinuturo siyang kung ano sa leeg ko, sige goodluck sakin, pano ko makikita?

“Shocks oo nga! Kiss mark ba yan?” – Cherry

Pabulong na sinabi ni Cherry…teka… Kiss mark?! Tinignan ko si Jake na bigla namang natahimik… OHNOSSSS! Nakalimutan kong takpan yung pulang bagay na yun

“Hin…hindi ah…ano lang yan..ano..allergy…oo allergy…kinamot ko kaya naging ganyan”

Tinitigan nila akong tatlo ng masama, ano magagawa ko? alangan naming sabihin kong oo..eh di itanong pa nila kung kanino galing diba?

Nagulat kami ng biglang tumayo si Jake at hinila ako palabas ng room, narinig kong tinawag pa ko ng ilang ulit nila Renzie pero dahil sa sobrang bilis maglakad ng mushroom na to, hindi ko na sila nagawang lingunin pa.

Her Secret BoyfriendWhere stories live. Discover now