Ch23: The Party [Part 1]

2.2K 44 8
                                    

Patrick’s POV

OKEY! Nandito na kami sa Italy since last week pa at wala akong magawa kung hindi maging chaperone ni mama sa pag shoshopping niya, pag punta niya sa spa, parlor, mga kung anu-anong ekek, hindi ko tuloy matawagan si Maddy ko kasi yung cellphone ko naiwan sa pilipinas, kung minamalas ka nga naman oh

Pero today, pupuntahan daw namin yung parents nung fiancée ko kaya maging ok daw dapat ako, eh kung ayoko, para pag hindi ako nagustuhan ng parents niya hindi na ituloy ang kasal oha?

Kasi naman 1st year highschool palang po ako! tapos ganito na?! ARGHHHH! Pag mayayaman nga naman, gusto agad settled na para sa future hayyy!

Ok, as I was saying nandito kami sa isang resto sa may isang 5-star hotel na pag mamay-ari daw ng parents ng fiancée ko, nandito na rin si papa at nakita kong may paparating na lalaki

“Oh, ikaw lang? nasan si Mars?”

Mars? Ano yun planet? Baka naman mare ibig sabihin ni mama? Nakipagbeso yung lalaki kila mama, ito ata yung tatay nung fiancée ko, pero may kamuka siya

“Nauna na”

“Oh kalian pa?”

“Last week”

Nauna? Patay na? pero mukang hindi naman kasi ang saya nung lalaki, kumain lang ako hindi na sumabat pa, hindi ko na pinakinggan yung sinasabi nila, ngingiti na lang ako kung sisikuin ako ni mama

Wala nga akong laban pagdating sa deal ni mama, bakit kasi ako pumayag eh pero matagal pa naman yung kasal kasi pag nag 18 na daw yung babae dun lang daw kami ikakasal, malay ko ba kung ilang taon na yung babae, and I. DON’T. CARE

Walang magawa sobra, napapansin ko na kanina pa ko pinagtitinginan ng mga staff na babae dito, well sorry sila kahit alam kong gwapo ako may nag mamay-ari na ng puso ko, psh, eto nanaman ako nagiging bading sa mga ganyang bagay

Pagdating namin sa bahay, oo may bahay kami dito, pinagalitan ako ni mama, kasi wala daw siyang nakitang excitement sakin kahit konti, hindi ko nalang siya sinagot kasi bukod sa pagod na ko, wala na kong gana, narinig ko na pinag-usapan nila yung tungkol kay Maddy pero may narinig ako na nakaewan lang

Hindi pala alam ni mama ang buong pangalan ni Maddy ang alam lang niya Maddy period

So pwede pa pala ang relasyon namin kung ganun, pero may isa pa kong hindi inaasahan

After ng Christmas ball binabalak ni mama na sa lahat ng activities na meron kami sa school ang magiging partner ko ay yung fiancée ko, pero hindi alam nila mama kung saan nag-aaral yung anak nung best friend niya, weird right? Pero kahit saan pa man mag-aral daw yun, papalipatin nila sa school namin

The next day as usual same old routine, shopping blablabla, nakakasawa pero mamaya mag didinner nanaman daw kami pero hindi na sa papa nung fiancée ko, kung hindi sa isang babae daw, SH*T! Sino kaya siya, ayoko sanang umattend pero si mama kasi pero baka kasi siya na yung fiancée kuno ko

Hindi na ko masyadong naghanda pa, nakakaewan lang, syempre para malaman nung fiancée ko na hindi ako interesado sakanya

Pagdating namin sa resto may nakaupo ng babae dun paglapit namin tumayo yung babae at binati si mama, si mama naman ang lapad ng ngiti

“Tita”

“Hija! It’s good to see you”

Bago pa kami umupo may binulong yung babae kay mama muka naming nalungkot si mama pero bumalik din agad yung ngiti niya

Bago kami umupo tinignan niya ko mula ulo hanggang paa

“So you must be Patrick, nice to meet you”

Inabot ko yung kamay niya para makipag shake hands

“And you are?”

Nginitian niya ko, maganda siya kung nauna ko siguro tong nakilala kaysa kay Maddy sakanya ako magkakagusto

“Rachel”

Umupo na kami tapos nakipagkwentuhan si mama sakanya, syempre nakikinig lang ako, ayokong makisali, tinanong pa ni mama kung aattend siya sa Christmas ball sabi naman nung babae oo daw, sino kaya tong babaeng to?

“You’re handsome, I must be really lucky”

Lucky? Wait! Siya ba yung fiancée ko? OHLALALA! Lagot na ako!

“Pardon? Wait, are you my fiancée?”

Hindi siya sumagot pero nginitian lang niya ako

ANO?! BABANGASAN KO TO EH! KUNG DI KA LANG MAGANDA! Wait! Sinabi ko bang maganda? Mangilabot ka nga Patrick! Si Maddy lang ang maganda para sayo! Siya lang!

Pagkatapos naming kumain umalis na kami ni mama pero nauna na yung babae kasi may aasikasuhin pa daw pero bago kami makarating sa bahay may sinabi sakin ni mama na ikinakaba ko

“Aren’t you excited to introduce your fiancée to everyone?”

So it means tama yung hula ko? it means…….

Pagkauwi namin sa pilipinas kanina wala na kong chance kausapin pa si Maddy, mamaya kasi Christmas ball na, mamaya ipapakilala na yung fiancée ko

Nagayos na ko para sa Christmas ball, simpleng white tuxedo at isang props para sa theme nung ball ang suot ko, kung ano yung props? Secret, hahaha! Pero kidding aside, pagdating ko sa ball marami ng tao, sinalubong pa nga ako nila Chelsea pero nakakalungkot kasi hindi daw pupunta si Maddy

May pupuntahan daw kasi siyang business party ng mama niya kaya hindi siya makakapunta

Nakita ko naman agad sila mama pero may kinakausap sila, yung lalaki na nameet namin sa Italy, so ibig sabihin nandito na yung fiancée ko?

Maya-maya pa pinasuot na samin yung props dahil magsisimula na yung Christmas ball

May narinig na kaming mga tugtog at may mga tao na rin na sumasayaw sa dance floor, halo halo ang mga taong nandito may mga estudyante ng school, may mga business partner nila mama, parents ng mga ibang students, basta halo-halo, kasi nga diba bukod sa christmas ball, eto rin ang.......

ENGAGEMENT PARTY KO T____T

SH*T! nakalimutan ko! ngayon pala yung deal namin nila mama pero pano yan, walang MADDY?! pero ok na rin to para di makita ni Maddy yung mga nangyayari dito para hindi na yun masaktan kasi feeling ko wala rin kaming laban sa deal namin ni mama

----------------------------------------------------------

[A/N]: malapit ng matapos ito!  ^__^ tsaka may tanong ako........

 .........BAKIT ANG GWAPO NI KIM BUM?! (>/////////////<) 

Hope you enjoy this update, abangan ang next!

love-love

~Jaz

Her Secret BoyfriendWhere stories live. Discover now