Ch11: Oooopss!

2.2K 49 5
                                    

Sa sobrang hapdi ng mata ko hindi ko magawang imulat ang mga mata ko, pero kailangan nakakaramdam na kasi ako ng gutom (-_-)

Kinuha ko yung cellphone ko para tignan kung anong oras na, 1:37pm, tanghali na pala, tumingin ako sa paligid ng kwarto ko…..

AY SHET!!

Napabangon ako ng wala sa oras,

NAKANINONG KWARTO AKO?!

Tumingin ako sa paligid pero wala akong naaninag na tao, tinignan ko yung sarili ko,

AY PUUUUUUUUUUUUUUUU!!! BAKIT BRA AT PANTY NALANG ANG SUOT KO?!

Pumunta ako sa Cr nung kwarto  at tinignan ang sarili ko, bukod sa mga magang mata, magulong buhok may isa pa kong napansin…. May kiss mark yung leeg ko. (O_O)

Ano bang nangyari kagabi?

Lumabas ako ng cr para tignan ulit yung paligid nun kwarto, may nakita akong 10 bote ng beer

So it means, nakainom ako kagabi? Pero higit sa lahat sino ang kasama ko kagabi?!

Habang pilit kong iniisip kung sino talaga yung kasama ko kagabi ay biglang bumukas yung pintuan at nagulat ako ng makita ko kung sino yung nasa pintuan

“JAKE?!”     

“Maddy sorry, I didn’t do it on purpose….”

Wait! Didn’t do it on purpose? So may nangyari samin?

“Pero Maddy, its not what you think it is”

“Huh?”

“Walang nangyari pero muntik ng merong mangyari”

Walang nangyari?! WHEW! Safe! Pero anong muntik?!

“iuuwi n asana kita sainyo kaso ayaw mo naming sabihin kung saan ka nakatira, kaya dinala nalang kita dito….sinabi ko sayo na matulog ka na pero nung nakita mo kong uminom, nakiinom ka rin bale mga 4 yung sayo diyan”

Tinuro niya yung kinalalagyan nung 10 bote ng beer……apat? Nakaya ko yun?

“pero dahil na rin siguro sa sobrang lungkot nadala ako kaya nahalikan kita, alam kong mali kaya hihiwalay na sana ako sayo ng bigla kang magrespond dun sa mga halik ko, kaya mas lalo akong nadala”

Hindi ako makapaniwala….ako? nagrespond? WAAAAAAAAH! Dapat kay Patrick ko lang ibibigay lahat ng kisses ko eh!! nawala na!!! (_ _ )

“Pero nung umiyak ka ulit, natauhan ako kaya tinigil ko……kaya walang nangyari satin Maddy”

Lumapit siya sakin at may inabot na t-shirt, at ngumuso sakin na parang sinasabi na isuot ko yung shirt..

“AHHHHHHHHHHH! LUMABAS KA DITO!!! LUMABAS KA MUNA!!”

“Teka teka! Oo na baba na, wag ka lang sumigaw!! Pagkatapos mo diyan bumaba ka na diyan at kumain na tayo”

Nakakainis, nakita na ni Jake yung halos kabuuan ng katawan ko. WAAAHHHH! Hindi ko alam kung paano ako haharap sakanya ngayon (- -  ) (  - -)(-_-“)

Sinuot ko yung shirt, malaki yung shirt na binigay niya sakin, natatakpan na nga yung panty ko kaya ok lang sakin na ito lang yung suot ko

Bumaba na ko para puntahan si Jake, medyo pareho lang kami ng sitwasyon ni Jake, nasa ibang bansa din yung parents niya kaya mag-isa siya sa bahay, pagbaba ko nakita ko siya na naghahain na ng pagkain namin, para tuloy kaming mag-asawa >////////////<

Ngayong kasama ko si Jake nakakalimutan ko yung masasakit na nangyari kahapon, kaya sana kahit ngayon lang, mapasaya ako ni Jake

“Maddy oh, kain na”

Nilagyan niya ng kanin yung plate ko, simple lang yung niluto ni Jake, omelet yung ulam namin, kahit lunch na para kaming nagbrebreakfast pa lang.

“Ah Jake, pwedeng sating dalawa nalang yung mga nangyari kagabi? Wag na sana makakarating kila Gabby”

Nakatingin lang ako sa pagkain ko habang sinasabi yun, nahihiya pa rin kasi ako sakanya

“Oo naman, hinding hindi makakarating sa ibang taon kung gano ka kasexy. WAHAHAHA!”

WAAAAH! Namumula ako!!! nahihiya ako!! Shet!! Ano ba naman to, naiilang na ko, tumatawa pa siya (-__-“)

“Pero…promise…walang makakaalam”

Tinignan ko siya, seryosong seryoso yung muka niya, ngayon ko lang siyang nakitang ganito kaseryoso. Tahimik lang kaming kumakain. Ang awkward tuloy lalo.

“Uhmm…Jake….may gusto ka ba kay Chelsea?”

 Ayy…nabilaukan pa….Confirmed!!

“Bakit mo naman natanong?”

“Yung reaksyon mo kasi kahapon….kakaiba”

Biglang lumungkot yung muka niya…ooppps! Mali ata yung topic ko

“Yun ba….oo aaminin ko, gusto ko si Chelsea, gusto kong maging masaya siya, gusto kong ibigay lahat ng gusto niya, pero hindi ko kaya na sumaya siya sa ibang lalaki…..kaya siguro ganun yung naging reaksyon ko”

Hindi na ko nakaimik pa…naaalala ko nanaman kasi yung bawat detalye na nangyari kagabi…bakit kaya nagawa sakin ni Patrick yun? Bakit niya ko niloko? Ganun ba kababaw yung pagmamahal niya sakin?

“Nako Maddy, hayaan na nga natin yan, alam ko na….after nito, mamasyal nalang tayo…may alam akong pwedeng pasyalan na makakaalis ng lungkot natin”

“Talaga?”

Tumango lang siya sakin habang nakangiti, ginantihan ko nalang siya ng ngiti bilang sagot ko

Sana nga…sana talaga maalis yung lungkot na nararamdaman namin…

kahit sandali lang.

 ------------------------------------------------

 [A/N]: uulitin ko, maaring pwedeng mangyari kahit na high school palang tayo, galing ako sa isang exclusive all girls school kaya yung mga ganitong pangyayari ay normal lang. pero hindi ko sinasabing gawin niyo to ha? BAD YUN!!!

Enjoy!! (~.~)

love-love

~Jaz

Her Secret BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon