Ch15.1: Ako'y Isang Crying Baby

2.2K 50 6
                                    

Puti, puro puti yung nakikita ko, may lalaking nakatayo malayo sakin, nakatalikod siya, kilala ko kung kaninong likod yun, lumapit ako sakanya, pero habang papalapit ako ng papalapit parang unti-unti siyang naglalaho, hanggang sa mapatigil ako dahil may ibang babaeng kumuha sakanya, may ibang babaeng yumakap sakanya

“PATRICK!”

Hindi pala totoo yun, wala palang Patrick sa harapan ko ngayon

“Maddy, ok ka lang? nanaginip ka lang”

Unti-unting pumatak ang mga luha ko, kasabay ng pagpatak nito ay ang pagyakap niya sakin

“Shh…nandito lang ako, tahan na”

Niyakap ko siya pabalik at saka umiyak, hindi ko alam kung kalian titigil ang mga luhang to, naging ganun yung position namin hanggang sa tumigil na yung pag-iyak ko

“Yung nurse pala nagpalit sayo hindi ako”

Tinignan ko yung suot ko, hindi na pala ako naka-uniform pero nandito parin kami sa clinic, tinignan ko yung oras sa may wall clock, past 6 na, simula kanina binabantayan na niya ko?

“Salamat ha”

“Wala yun, nandito lang naman ako eh, pero Maddy dapat maging matatag ka, dapat tumulad ka sakin, kahit na nasasaktan na ko, hindi ko pinapakitang mahina ako”

“Sorry…ah…Jake…..pwede mo ba akong ihatid pauwi?”

Natawa naman si Jake sa sinabi ko

“Kahit hindi ka naman mag tanong ihahatid pa rin kita no”

Ngumiti ako sakanya at nag thank you, nagpapasalamat talaga ako na laging nasa tabi ko si Jake, bakit hindi na lang ba kasi siya? Bakit hindi nalang siya yung pinaglaanan ko? siguro kung siya yung napali ko masasaktan din ako kasi gusto niya si Chelsea pero hindi siguro ganito kasakit, buti pa si Chelsea, lahat ng tao gusto siya, siguro masaya siya ngayon

“Salamat sa pag hatid Jake ha? Ingat ka”

“Sige, pahinga ka na, alis na ko”

Pumasok na ko ng bahay, at dumeretso sa may kwarto, medyo nahihilo ako pagkahiga ko pero di ko na pinansin yun kaya nakatulog naman ako ng mahimbing

Maaga akong pumasok sa school ngayon, kailangan ko kasing puntahan yung teachers sa mga subject na namiss ko kahapon dahil sa kaartehan ko, onti pa lang yung tao ngayon , habang papunta ako sa may faculty nadapa ako, nanghihina pa rin kasi ako masyado, pero buti nalang walang masyadong tao

Patayo na sana ako ng makita ko si Patrick sa harapan ko, tinitigan ko lang siya kasi nag eexpect ako na tutulungan niya ko, pero hindi ganun yung nangyari

“Wag ka nga masyadong lampa, haharang harang ka sa daan eh”

Narinig kong nagtawanan yung mga tao na nakarinig at nakakita, nilagpasan na niya ako pagkatapos niyang sabihin yun

Bakit ganon? Mas matatanggap ko kung iiwasan niya ko pero yung ipapahiya niya ko sa iba, ang sakit! Isang malaking samapal sa muka ko yung nangyari

Hindi na ko dumeretso pa sa faculty pumunta nalang ako sa may classroom, total wala pa namang tao sa room, dun ko nalang iiiyak lahat, pero sa totoo lang wala akong pakealam kung tawanan ako ng iba, sanay na ko dun dati pero ang mas masakit yung mismong taong mahal mo ang gumawa ng paraan para pagtawanan ka nila

Umupo ako sa upuan ko at yumuko sa may table, narinig ko ang pagbukas ng pintuan pero hindi ko iyon pinansin

“Maddy?”

Pinunasan ko yung mga luha ko at inangat ang ulo ko para tignan kung sino yung tumawag sakin, sila Gabby pala

“Ok ka lang? namumula mata mo oh” – Gabby

“San ka nga pala galing kahapon?” – Cherry

“oo nga akala namin may masamang mangyari sayo” – Renzie

Hindi ko sila pinansin at yumuko nalang ulit

“Hoy Maddy! Kausapin mo naman kami” – Gabby

“Please?” – Cherry & Renzie

“PWEDE BA?! WAG NIYO NGA AKONG GULUHIN!”

Nagulat sila sa pagsigaw ko pero maski ako hindi ko sinasadyang sigawan sila, lumungkot yung expression ng muka nila at pumunta na sila sa mga upuan nila

Ayoko lang kasing mag-alala sila sakin kaya nga pati yung nangyari nung dance hindi ko sinabi sakanila, alam ko kasing may mga bagay silang dapat unahin lalo na si Cherry, alam ko kasing nawawala yung ate niya kaya nga ayoko ng dumagdag pa sa mga problema nila

Buong araw wala akong kinakausap na mga tao maliban kay Jake, siya kasi nakakaalam ng lahat at siya yung alam kong nakakaintindi sakin

Sa tuwing makikita ko sila Chelsea at Patrick na magkasama, nasasaktan ako pero hindi ko na pinapakita sakanila, sa tuwing nakikita ko silang nagtatawanan nalulungkot ako, alam kong napapansin na nila Renzie na may problema ako pero hindi ko sila kinakausap bukod kasi sa nahihiya ako kasi nasigawan ko sila, pakiramdam ko hindi ako deserving sa pagkakaibigan na binibigay nila sakin

Gusto kong maging matapang, gusto kong magbago, gusto kong maging matibay, ayoko na maging lampa, maging iyakin, maging kawawa. Gusto ko na ibahin yung Maddy na nakilala nila sakin

Her Secret BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon