“Sure sige una na ako ah. Magpahinga ka na” aniya.

Nginitian lang siya ni Tina at kumaway lang ng umalis na siya.

Nang hindi na niya matanaw ang kotse ni Brandon ay saka siya naglakad papasok sa condo. Pagdating niya sa unit niya ay agad niyang hinanap ang cellphone at tinawagan si Phoebe.

“Friend how are you house ka na ba?” bungad niya pagsagot ng kaibigan.

“Nope andito pa din kami sa bar? Magkasama pa ba kayo ni Kuya Brandon?” usisa nito.

“Kakauwi pa lang niya.” Napabuntong hininga niya sa pagka-alala ng mga ginawa kanina.

“What happen? Kwento ka naman” excited na tanong ni Phoebe.

“Wala naman pinagkape ko lang siya then unting kwentuhan”

“And then?” tanong ulit ni Phoebe parang hindi pa ito convince sa kwento ni Tina.

“Yun lang ano ka ba. Pero friend I think I’m starting to like him he’s so gentleman” kinikilig na bulalas ni Tina. Napasigaw naman ang nasa kabilang linya.

“OMG! Friend seriously? Why not bet naman kita syempre friendship tayo and Kuya Brandon is so single naman hayaan mo ilalakad kita.” Natatawang sabi nito.

“Loka talagang ako pa ang ilalakad mo ah. Kaya lang hindi naman siya magstay dito ng matagal he said he is planning to go back to the Philippines eh” malungkot na saad nito.

“Don’t worry uso naman ang long distance relationship noh modern na ngayon madami ng means ng communications” aniya, pagbibigay ng lakas ng loob ng kaibigan.

“Bahala na friend, teka bakit hindi ka pa umuuwi? Baka kung ano pa gawin niyo ng baliw mong ex ah susumbong kita kay Brandon” biglang naalala niya na sinabi nito na nasa bar pa ito.

“Subukan mo hindi na kita ilalakad kay Kuya” pangaasar nito, asusual tiklop na si Tina sa sinabi nito.

“Fine just don’t forget that he’s a cheater at baka masaktan ka na naman sasabunutan na talaga kita” pagpapaalala nito kay Phoebe.

Sumangayon na lang si Phoebe at nagpaalam na din si Tina, nahiga na siya sa kama niya dinampi niya ang isang daliri sa labi niya. She can still feel Brandon’s soft lips. Pinikit niya ang mga mata at si Brandon pa din ang nasa isip niya ang maamo nitong mukha ang mapupulang labi niya. She opened her eyes and look for her cellphone. Tinext niya ito to know if he came home safe. Agad naman siya nakareceive ng reply dito.

Napangiti ng napakalaki si Tina, inilapat niya ang cellphone niya sa kanyang dibdib at impit na sumigaw sa sobrang kilig. Hanggang sa nakatulog na lang siya na may ngiti sa mga labi.

***

Kuya” sigaw ni Phoebe.

Tinakip niya ang unan sa may tenga niya. Puyat siya dahil halos araw-araw sila kung lumabas ni Tina, isang lingo na din ang nakakalipas ng makilala niya ito. Kagabi ay sa condo nila Tina sila naginom kasama si Phoebe at ibang kaibigan pa nito.

Pero patuloy pa din sa pagkatok ang pinsan. Inis na tumayo ito at pinagbuksan ang istorbong si Phoebe.

“What?” galit na bungad niya dito.

“Hey kuya look what time na oh? It’s 1pm na let’s go lunch na tayo mom cooked for you sabay-sabay na daw tayo kumain” nakangiting sabi nito.

He Robbed My heart (editing)Where stories live. Discover now