Chapter 37

917 19 5
                                    

Malungkot ang buong araw ni Cham kakaalis lang kasi ni Ellsworth papuntang America. Meron itong emergency meeting sa company nito sa New York isasama sana siya nito pero nadeny ang visa niya. Mahigit isang taon na silang magkasintahan pero ngayon lang sila hindi magkikita ng matagal. Sabi nito ay baka abutin ng dalawang lingo ito doon pag hindi naayos ang problema ay baka abutin pa siya ng isang buwan.

Hindi na din siya sinama sa airport baka daw kasi hindi na siya tumuloy pag nakita siyang malungkot. Eto nga at andito siya sa tapat ng laptop niya nakatitig lang at walang pumapasok sa utak niya. Bumalik siya sa pagiging accountant dahil naka leave of absence si Ara dahil kabuwanan na nito. Ang dami niya pang dapat tapusin pero hindi niya alam paano uumpisahan.

“Mam Cham meron po kayong package nasa lobby po. Kailangan po ng signature niyo.” Bumalik ang diwa niya ng tawagin siya ng receptionist nila. Nginitian niya lang ito at sinabing susunod na lang, inayos niya muna ang sarili bago lumabas.

“Kanino po ito galing?” bungad niya ng iniabot sa kanya ang isang maliit na kahon.

“Mam wala pong nakalagay pasensya na po, pakipirmahan na lang po ito.” Binigyan ng ballpen si Cham ng lalaking nagdeliver nakakunot naman ang noo ni Cham habng pinipirmahan ito.

Habang naglalakad pabalik sa opisina niya ay napapaisip siya kung sino ang nagpadala sa kanya nito. Hindi pa siya nakakaupo sa desk niya ay binuksan na niya kaagad ang kahon at laging gulat niya sa laman nito.

Isang duct tape.

Kinabahan siya bigla.

Pag-angat niya ng tape ay may nakailalim pa pala dito na isang papel na mukhang may sulat. Nagdadalawang isip siya kung bubuksan ba ito o itatapon na lang. Nilakasan niya ang loob at kinuha ang papel at dahan-dahan na binuklat ito.

“Masarap magmahal, siguraduhin mo lang na para sa tamang tao mo ito mararamdaman!”

Naguguluhan si Cham sa nabasa, pinunit niya ang papel at itinapon ito kasama ng duct tape. Hindi niya maintindihan bakit kailangan niya makareceive ng ganitong bagay at sulat. Ang lungkot na nararamdaman ngayon ay napalitan ng takot, takot ng nakaraan. Pinilit niyang kalimutan ang nangyari at ipinagpatuloy ang trabaho.

Dahil sa daming trabaho na tinapos si Cham ay hindi na niya namalayan na alas otso na pala.  Hindi pa siya titigil kong hindi pa siya kinatok ni Joe.

“Girl wala ka pa bang balak umuwi? Sabay ka na sa akin uuwi na ako” bungad nito.

“Sige sabay na ako sayo. Wait lang ah save ko lang tong mga files ko. 5 minutes lang” hirit nito.

“Hinabilin ka sa akin ni Ellsworth. Habang wala pang nakukuhang driver na maghahatid sundo sayo”

“Sinabi niya yun?”

“Oo nemen. Kaya ito ako muna driver mo pero baka sa Lunes meron na.” Natuwa naman ng lihim si Cham sa narinig, nagaalala siguro sa kanya si Ellsworth kaya kinuhaan pa siya nito ng driver niya.

Saglit lang ang biyahe nila pauwi, sumaglit lang din si Joe at umuwi na. Ngayon niya lang naramdaman ang pagod hindi na siya kumain wala rin siya kasing ganang kumain. Wala pa kasing text or tawag sa kanya si Ellsworth matagal din kasi ang byahe nito sabi nito ay baka abutin ng 18 hours ang byahe.

Pagdating sa kwarto ay agad na bumungad ang teddy bear niya na si Chamells. Nginitian niya ito at agad na niyakap. Lalo niyang naramdaman ang pangungulila sa kasintahan, sabado pa naman bukas kadalasan ay magkasama sila sa bahay nito biyernes pa lang ng gabi.

Hindi na niya namalayan na umiiyak na pala siya. Ilang oras pa lang nawawalay sa paningin niya si Ellsworth ay parang katumbas na ito ng isang buwan iniisip niya padin paano niya malalampasan ang ilang araw na pagkawala nito. Pinahid niya ang mga luha at nagmamadaling kinuha ang cellphone niya ng tumunog ito. Pinapanalangin niya na sana si Ellsworth na ang nagtext.

He Robbed My heart (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon