Chapter 21

1.4K 21 14
                                    

Ilang lingo na din ang nakalipas ang aksidente ng makita si Cham ng mga reporter, humupa din ito kaagad mga ilang araw lang pinagusapan at parang bula na nakalimutan na ulit ng media since wala naman pumapatol sa mga interview nila kahit ang Congressman na sangkot umano ay hindi nagsasalita.

“Bebe nagtext si Brandon bakit hindi mo daw sinasagot ang cellphone mo” tanong ni Ading pagkabukas pa lang ng pintuan ng kwarto ni Cham.

Nakahiga lang si Cham sa kama niya, sabado kasi ngayon at off niya. Ang mga ate ang laging tagabigay ng mensahe ni Brandon simula kasi ng panununtok nito kay Ellsworth ay medyo nagtampo siya dito at hindi niya ito masyado kinakausap.

“Wala ako sa mood tumingin sa cellphone ko ate gusto ko lang magpahinga.” Walang ganang sagot niya. Lumapit naman ang ate niya sa kanya at umupo sa katabing upuan.

“Kawawa naman si Brandon bebe mahal na mahal ka ng tao ayaw ka lang niyang makitang nasasaktan. Kung ano man yung nagawa niya sa boss mo kalimutan mo na patawarin mo na siya.” Hinaplos ni Ading ang buhok ng kapatid alam niya na hindi pa din okay ang bunsong kapatid pinapakita lang nito na matatag siya.

“Hindi naman na ako galit kay Brandon ate, dumi-distansya lang ako. Ayaw ko siya saktan dahil sa pagmamahal niya sa akin. Hindi ko kayang suklian yun.” Malungkot na tugon nito sa kapatid.

“Bakit ayaw mo pa sa kanya halos nasa kanya na ang ideal boyfriend mabait, mapagmahal. Masipag at kaya ka niyang buhayin. Saka diba matagal na kayong magkaibigan?” umupo si Cham sa pagkakahiga at sinandal ang katawan sa pader.

“Ate Brandon don’t deserve me, I’m not worth for his love.” Mapungay ang mga mata na tumingin sa ate niya.

“Okay sige bebe ikaw ang nakakaalam kung ano ang tama para sayo basta andito lang kami makikinig kami sayo okay.” Nagpaalam na si Ading hinalikan naman niya ang kapatid sa noo. Hinayaan na lang niya na magpahinga ito.

Kina Lunesan ay maaga nag gayak si Brandon para sunduin si Cham, matagal na siyang iniiwasan nito mapa text, tawag or pag nagpupunta siya sa bahay nito. Hindi na siya papayag ulit na hindi ito makita, kahit masakit ang ulo at may hangover ay pinilit pa din niyang magising ng maaga kasama ang mga kaibigan sa trabaho ay nagpainom siya kagabi dahil sa sakit na nararamdaman niya sa pagiwas sa kanya ni Cham.

“Hello Ate Mylez Ate Ading good morning” bungad ni Brandon pagpasok sa bahay nila Cham.

“Uy nagabala ka pa sakto hindi pa ako nakakaluto ng agahan salamat dito ah” inabot ni Brandon ang dalang breakfast meal kay Mylez mula ito sa isang sikat na fastfood chain.

“Wala yun, gising na ba si Cham?” mahinang tanong nito kay Ading.

“Hindi pa kakagising lang din namin gigisingin ko kape ka muna diyan ah” inakyat na ni Mylez ang kapatid at ginising. Ilang minuto lang ay bumaba na ito ay nakabihis pangtrabaho na.

“Hi Mach good morning” bati nito sa dalaga, nagulat naman si Cham ng makita siya. Nilapitan niya ito at hinalikan sa pisngi.

“Oh Hi good morning din.” Walang ganang sagot ni Cham at dumeretso na kaagad sa kusina, niyaya naman ng mga ate ni Cham si Brandon na kumain.

“Ate sabay na din kayo sa amin ni Cham on the way din naman ang bakeshop ni Mommy” yaya nito sa dalawa.

“Sige go kami diyan.” Masayang nagsalo-salo sila ng agahan si Cham nga lang ang hindi seryoso lang ang mukha nito at para bang ang samang ng gising.

He Robbed My heart (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon