Chapter 12

1.5K 27 17
                                    

Naalimpungatan na si Cham pero parang naandar pa din sila, pakiramdam niya ay kanina pa siya nawalan  ng malay pero andito pa din sila sa kotse ng mga dumukot sa kanya. Wala pa din siyang makita gusto man niyang magsalita pero masikip ang nilagay na tape sa kanyang bibig. Nahihilo pa din siya epekto ng pinaamoy sa kanya kanina.

“Gising ka na pala sakto para hindi kami mahirapan buhatin ka” umayos siya ng upo at pilit na kinikiskis ang dalawang kamay niya.

“Wag ka na magtangka pa hindi mo maaalis yan” pabulong na sabi ng katabi sa tapat ng tenga niya, nadidiri naman siya sa ginawa ng lalaki sabay hinaplos haplos naman ng isa pang lalaki ang mga buhok niya.

“Pare hindi ba pwedeng pag-pyestahan muna natin ito. Kanina pa ako nanggigil dito sobrang bango at ang kinis pa.” napalunok si Cham sa narinig, halos maubos na ang mga laway niya sa sunod-sunod na paglunok. Mariin niyang pinikit ang mata, iniisip niya na lang na isa lang itong panaginip. Magigising din siya sa bangungot na ito.

Hinawakan ng katabi ang kaliwang binti niya, hindi pa ito nakuntento dahil itinaas pa nito ang suot niya at pinaghihimas ang binti niya. Samantalang ang nasa kanan na lalaki ay nararamdaman niya ang hininga nito sa tenga niya. Nadidiri siya sa mga pinag-gagawa nila, sobrang kabog na ng dibdib niya. Buong lakas na nagpumiglas siya sa mga pinag-gagawa ng dalawang lalaki.

“Wag ka na umarte pa miss, alam ko namang liberated ka kaya game ka sa lahat.” Hindi niya magawang bumuntong hininga dahil bumabalik lang din ang hininga siya sa lalamunan niya palabas sa ilong, mahigpit din ang pagkakalagay ng tape sa bibig niya.

“Pre wag ninyo na iyang pagdeskitahan utos ni Boss na walang gagalaw diyan sa babae na yan.” Sabi ng driver nakikita nito mula sa rear mirror ang ginagawa ng dalawa sa tabi ng dalaga.

“Hindi naman malalaman yun saglit lang naman to” pagpupumilit nito.

“Pare itigil niyo na yan. Malapit na tayo bumaba.” Naramdaman ng dalaga na may sumuway sa dalawang katabi.

“Don’t tell me naawa ka dito sa babaeng to” singit ng katabi ni Cham

“Sumusunod lang ako sa utos, malalagot tayo kay boss pag nalaman niya ang ginawa niyo” may takot sa boses ng lalaking nasa likod. Nakahinga naman siya ng maluwag ng nanahimik na ang dalawa. Sino kaya ang boss ng mga ito hindi pa rin mawari ni Cham kung sino ang pwedeng gumawa nito sa kanya. Sobrang pandidiri talaga ang nararamdaman niya ngayon.

“Ok andito na tayo, nagaabang na ang bangkero siguraduhin niyo na walang makakakita sa atin” binuksan na ng lalaki sa kanan niya ang pinto ng kotse at inutusan na siyang tumayo.

Pagbaba niya ng kotse ay hinawakan siya ng isang lalaki ng mahigpit sa kanyang braso, naririnig naman ni Cham ang mga alon sa paligid, hindi niya alam saan na siya dinala ng mga ito ang alam niya lang ay nasa tabing dagat sila. Naramdaman na niya ang tubig habang naglalakad sila, binuhat naman siya ng isa sa mga lalaki paakyat mukhang isang malaking Bangka.

“Buti at walang nakakita sa atin, tumawag na si Boss andon na siya at hinihintay tayo.” Naiwan ang dalaga sa isang sulok, naririnig niya ang mga pinaguusapan ng mga kasama.

Nanghihina na siya dahil sa mga nangyayari ngayon naramdaman ni Cham ang sobrang takot, takot kung ano ang mangyayari sa kanya sa pupuntahan nila. Ibinuhos niya na lang ang mga luha at napayukong nagdadasal na sana ay hindi siya mapahamak.

“Oh mga pare umiiyak na ang bisita natin, kawawa naman mas matakot ka mamaya Miss matagal ka ng hinihintay ni Boss.” Pinilit niyang tumayo pero pinigilan siya ng isa sa mga ito.

He Robbed My heart (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon