Chapter 26

1.3K 29 9
                                    

“I love you” paulit-ulit na binanggit ni Ellsworth sa kasintahan ng tuluyan ng maghiwalay ang mga labi nila. Lalo naman umapaw ang kaligayahan niya sa matamis na ngiti ni Cham.

“Baka malunod na ako sa pagmamahal mo” biro ni Cham. Hindi niya mapigilan ang mapangiti ng napakalaki sa sobrang saya niya sa piling ni Ellsworth ngayon.

“Marunong naman ako lumangoy wag ka mag-alala sasagipin naman kita” nakangising sabi nito, lumapit na naman ang mukha ng binata sa kasintahan, automatikong napapikit naman si Cham. Dinampian siya ni Ellsworth ng halik sa noo nito at dalawang pisngi na nagdulot ng kakaibang kuryente sa buong katawan niya.

“Masyado mang mabilis pero nararamdaman ko na mahal na nga kita siguro” sabi ni Cham ng muling nagmulat ang mata niya ng maramdaman na tumigil na si Ellsworth.

“Wag mo madaliin ang nararamdaman mo sa akin, maganda kung kusa mong maramdaman ng buong puso mo. Ako kasi wala na akong alinlangan sayo.  Nakangiting sambit nito.

“Masaya ako ayun lang alam ko ngayon, thanks for coming into my life too” malambing na sabi ni Cham, hindi niya alam bakit sa sobrang saya ay nakuha pa ng mga mata niya na maluha ngayon.

“So why are you crying again, you said your happy.” Nag-aalala na tanong ng binata.

“Wala lang masaya lang ako at the same time natatakot pa din ako.” Halata sa boses ni Cham ang pagpalit ng aura nito. Mas nananaig kasi ang takot na naman sa dibdib nito.

“Why ano ang ikinatatakot mo?” mahinang tanong nito.

“What if malaman mo ang nangyari sa akin baka iwan mo ako” mas lalong dumami ang luhang tumutulo sa mga mata nito.

“Hush I don’t care kahit ano pa yan. Just believe me” pangungumbinsi ng lalaki dito.

“But you have the right to know. I want to be honest with you at gusto ko ganon ka din sa akin.” Hindi mapigilan ni Cham ang hindi muling magbalik ang mga mapapait at masakit na nakaraan. Ilang beses siya napalunok ng gumuhit na naman ng nakaraan sa dibdib niya.

“Yeah that’s good, an honest relationship tama ka don.” Aniya.

“What If I tell you that I’m a ra—rape vi—victim” nauutal na sabi ni Cham. Mahihimigan dito ang sakit at pait sa huling sinabi. Napayuko ito at tuluyan ng humagulgol.

Napakagat labi si Ellsworth sa narinig mula sa kasintahan, napakuyom ito ng mga kamao niya. Ang kaninang masaya nilang oras ay parang biglang nabalutan ng madilim na aura. Hirap siyang tignan ang dalaga ngayon na kasalukuyang naghihinagpis. Parang naubos bigla ang lakas niya para aluin ito. Napasapo ang dalawang kamay niya sa kanyang mukha, hindi niya kayang makita ang dalaga sa ganito ang itsura. Ramdam niya ang sakit na pinagdaanan nito.

Matatanggap mo ba ako?” mahinang tanong ni Cham na nakayuko pa din. Garagal na ang boses nito dahil sa walang tigil na paghikbi.

Nagiipon pa ng lakas si Ellsworth kaya hindi ito makasagot sa dalaga, nanlulumo ang mga tuhod niya paulit-ulit niyang naririnig ang sinabi ng kasintahan sa tenga niya. Napahawak siya sa mesa dahil sa panghihinang nararamdaman. Isa lang ang iniisip niya kung paano ipakita at ipadama dito na kahit ano pang nangyari sa kanya at tatanggapin niya ito ng buong-buo.

“Kung hindi ayos lang sa akin don’t worry” patuloy ni Cham ng hindi marinig na sumagot man lang ang binata.  Rinig na rinig na ang lakas ng hikbi ni Cham. Bigla naman natauhan na si Ellsworth sa huling sinabi nito at buong lakas na niyakap ang kasintahan.

He Robbed My heart (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon