Chapter 48

517 22 4
                                    

Multimedia Available: Hindi ko pa kasi mareveal ang pic ni Chelsea with Uncle Thor sa last Chapter hehe. so ito yung pic ni Chelsea when she performs and si Uncle Thor ang andon. Hihihi :D

Sobrang hapdi ng mga mata ko at sumabay pa ang sakit ng ulo ko. Ang alam ko ay nakatatlong shot lang ako ng tequila kagabi sa event sa school pero bakit ganito ang pakiramdam ko. Nagunat-unat muna ako bago ko binuksan ang mata ko ng tuluyan. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko hindi ko kasi alam if nanaginip ba ako. Wala ako sa kwarto ko! Pumikit ulit ako at pagkatapos ng isang minuto ay binuksan ko ulit ito, nilibot ko ang mga mata ko at nasa ibang kwarto talaga ako.

“Chelsea” sigaw ko dahil wala sa tabi ko ang anak ko. Tumayo ako ng dahan-dahan ang bigat kasi ng pakiramdam ko. Napahawak ako sa ulo ko grabe ang sakit talaga. Paulit-ulit kong sinigaw ang pangalan ng anak ko. Napakapit ako sa pader pagtayo ko grabe talaga nahihilo pa ako.

Pinilit kong buksan ang blinds ng bintana para makita ang nasa labas, kinakabahan ako hindi ko alam kung nasaan lugar ako ngayon tapos wala pa si Chelsea sa tabi ko. Wag naman sana may nangyari masama sa anak ko kailangan ko ng lakas ngayon pero naghihina talaga ako.

Mas lalo akong nabigla sa nakita ko sa paligid. Medyo mataas na ang araw sa labas nasa may tabing dagat ako, kalma ang tubig mahina lang ang mga alon, pero walang tao sa paligid sa labas, kinakabahan ako. Pilit kong inisip kung ano nangyari kagabi bakit ako andito.

May banyo sa loob ng kwarto agad akong pumasok dito para maghilamos baka sakaling mawala ang sakit ng ulo ko. Buti na lang at kumpleto ang gamit may sabon at tuwalya na nakahanda.

Matatapos na ako sa ginagawa ko ng marinig kong sumigaw si Chelsea “Mommy, mommy where are you?” agad akong nagmadali na nagpunas ng mukha ko at lumabas.

“Baby where have you been? I’m so worried about you.” Mabilis kong tinakbo si Chelsea na nasa likod ng pinto, chineck ko siya if may galos ba or sugat dahil hindi ko talaga alam nasaan kami at sino ang nagdala sa amin dito. Pero mukha naman okay ang anak ko at nakangiti pa.

“Mom I just helped Uncle Thor prepared our breakfast, he cooked a very delicious soup for you and I’m so excited for you to taste it Mom.” Lahad sa akin ni Chelsea, hindi pa rin ako makapaniwala bakit kami andito pero ng yakapin ko ang anak ko sigurado na ako na hindi ako nanaginip.

Malaking tanong kung sino ba itong Thor na ito at bakit kami andito? Paano kami nakarating dito? Ang dami kong mga tanong na gusto ko ng masagot.

“Wait mom let me check if Uncle Thor followed me.” Humiwalay sa akin si Chelsea at lumabas, narinig ko siyang sinigaw ang pangalan ng Thor na yun.

“Uncle Thor my mom is now awake I want to introduce you to her.” narinig ko na sabi ni Chelsea sa labas. Para akong naging estatwa nanigas ang mga paa ko sa kinatatayuan ko ng makita ko kung sino si Uncle Thor na sinasabi ng anak ko. Hindi maari ito.

“Mommy let me introduce you to my friend Uncle Thor, Uncle Thor this is my mom.” Pagpapakilala sa amin ni Chelsea, tanging ang mga mata ko na lang ang naigagalaw ko. I can feel numbness and tingling all over my body. Ilan beses pa ako kumurap-kurap pero siya pa din talaga ang nakikita ko hindi nagbabago ang imahe ng Uncle Thor ng anak ko.

He Robbed My heart (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon