Chapter 5

1.8K 33 21
                                    

"Mam Cham please be ready for a lunch meeting with one of the writer" tawag ng assistant ng dalaga,

Mahigit Isang taon na din siya sa trabaho as bookeeper dito sa Alban Publishing, pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkasakit si Mrs Alban dalawang buwan na ang nakakalipas kaya lahat sila ay nasa Amerika. Halos siya na rin ang kanang kamay ng Tito Albert niya multi-tasking siya dito, kaya naghire ito ng assistant niya para pag busy siya sa ibang task niya ay may gagawa pa din ng pinaka main job niya ang pagiging accountant ng kompanya.

"Ano ba daw ang issue niyang si Mr.Torralba? Napapadalas na ang paghingi niya sa akin ng lunch meeting wala naman kami pinaguusapan na importante." Curious na tanong sa assistant, habang nakakunot ang noo at titig pa din sa kanyang computer, may nagping sa kanya sa chat may bisita daw siya sa lobby.

"He said that he will discuss some suggestions para mas dumami daw ang readers ng ilalabas na komiks ngayong Mayo" tinignan niya ang assistant at tumayo papunta sa mesa nito.

"Ara just tell him that he can send me an email about it bakit kailangan pa ng meeting? I'll just call him pag may kailangan pa ako. I need to go, I'll be back after lunch okay." Sa totoo lang may lakad kasi talaga siya, tumawag kasi si Brandon niyayaya siyang maglunch. Kakauwi lang kasi ulit nito galing Amerika pagkatapos kasi ng graduation niya ay bumalik din ito para ipagpatuloy ang pagaaral.

"Mach" tawag ni Brandon na kasalukuyang nakaupo sa lobby. May hawak itong isang bouquet ng rosas.

"Kanina ka pa ba andito?" pagkalapit niya sa binata ay binigyan siya ito ng halik sa pisngi at ibinigay ang bulaklak.

"Oo excited na kasi ako makita ka" hinila na niya ang kamay ng dalaga at sabay na naglakad palabas papuntang parking lot, hindi nakalagpas sa pandinig nila ang bulong bulungan ng mga empleyado sa paligid.

"Hays Nrab pagbalik ko malamang ang dami ng magtatanong sa akin for sure maissue pa tayo bitawan mo nga muna ako" hindi naman sa ayaw niya na hawakan siya ng binata sa kamay kaya lang kakaiba ang naramdaman niya habang hawak nito ang kamay niya lumakas ang tibok ng puso niya.

"Hayaan mo sila, you can tell them that I'm your boyfriend" hinablot ulit ni Brandon ang kamay ng dalaga tinignan na lang ito ng masama ni Cham. Kakaiba ang itsura ng kaibigan ngayon ang dating mukang totoy ay nagmatured na ang mukha, lalong nadagdagan ang kagwapuhan nito.

Pagkarating sa parking lot nakakunot pa din ang noo nito habang si Brandon naman ay ang laki ng ngiti. Pinagbuksan niya ang dalaga ng pinto at padabog naman itong sumakay, hindi maalis ang ngiti niya sa kanyang mga labi, ang laki ng pinagbago ng dalaga mukha na siya sopistakada ngayon at marunong na rin magtaray.

"Saan mo ba ako ililibre Nrab? Siguraduhin mong masarap don ah gutom na gutom na ako hindi pa kasi ako nagaagahan." mataray na sabi ng dalaga habang nakahalukipkip.

"Relax ka lang diyan hindi mo ba ako namiss Mach?" tinignan siya ng saglit ng dalaga at nagkibit balikat lang.

"Miss ng slight, paano naman kita mamiss ng todo halos araw-araw tayo magusap parang andito ka rin"

"Slight lang talaga grabe ka naman Mach ako miss na miss na kita. Miss ko na ikaw kurutin" tinaas pa niya ang kamay at dinemo paano niya kukurutin si Cham.

"Subukan mo ako kurutin sisipain kita" hindi na siya nakaligtas agad kinurot ng binata ang ilong niya, hinampas naman niya ito sa braso. Ang lakas ng tawa ng binata dahil naisahan niya ang dalaga.

Hindi tumigil sa kakatawa si Brandon dahil nakita niya paano namula sa galit si Cham, hanggang sa nakarating na sila sa isang Filipino Restaurant.

Ang dami nilang pinagkwentuhan about sa mga experience ni Brandon habang nasa Amerika, ang mga naging girlfriend niya na iba't ibang lahi samantalang siya ay walang maishare dahil wala pa naman siyang naging boyfriend. NBSB pa ang eksena ni Cham malapit na siya mag bente dos pero until now wala siyang panahon sa pagibig.

He Robbed My heart (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon