Chapter 34

1K 16 11
                                    

“Are you okay Brandon”  nagtatakang tanong ni Tina, pagkatapos kasi nito ikwento ang tungkol sa kaibigang si Elmiera ay bigla na lang ito nanahimik.

“Yah I’m okay. Kawawa naman ang friend mo” mahinang sagot niya.

“Oo nga eh actually one year death anniversary niya last month, hindi nga ako nakapunta galing kasi ako sa bakasyon but I’m planning to visit her one of these days” aniya sabay higop sa kape nito. Titig na titig ang dalaga kay Brandon na mukha namang seryoso habang nainom din ng kape.

“Ah” maikling sagot ni Brandon. Naalala na naman niya si Cham kaya parang nawala siya sa mood kausap ang kasama.

“Maybe you can accompany me if it’s okay with you?”

“Sure total wala naman ako gagawin while I’m still here” he smiled when she saw that Tina is smiling at her.

“Thanks talaga ah. Buti nawala na ang pagkahilo ko” sambit nito.

“That’s good, anyways I gotta go late na din para makapagpahinga ka na” akmang tatayo na si Brandon pero hinawakan siya ni Tina sa kanang kamay niya.

“Okay lang ba na magdrive ka pa? Medyo malayo pa ang house niyo dito, you can stay here if you want” aniya, tumayo ang dalaga habang hawak pa din nito ang kamay ni Brandon at lumapit ito sa binata.

Napalunok naman si Brandon dahil ang dibdib ng dalaga ay nakasandal na sa braso niya. He’s trying to clear his throat na parang may bumara.

“Ah Ye-yeah I’m okay nawala ang tama ko with your coffee” nahihiyang sagot ni Brandon. Sobrang lapit na din ng mukha ni Tina sa gilid ng mukha niya.

“Are you sure?” she whispered in his ears.

Hindi napigilan ni Brandon na hindi mapailing sa pakiramdam pagkatapos noon. Sunod-sunod pa din ang paglunok niya parang any moment ay mauubusan na siya ng laway.

“Yah saka it’s not proper for me to sleep here lalo na mag-isa ka lang dito” sagot ng binata.

Napaurong naman ng bahagya si Tina hindi niya din alam sarili bakit niya ginawa yun, parang ayaw niya pa kasi pauwiin ito she wants to know more about him gusto niya pa itong kakwentuhan maybe she already likes Brandon. Parang napahiya naman siya sa huling sinabi ng binata

“Yeah sorry” mahinang sabi ni Tina para naman siya binuhusan ng malamig na tubig, she didn’t think na baka iba si Brandon. Nahiya siya sa sarili niya sa inasal.

“So paano I’ll go ahead, thanks for the coffee and sandwich” pagpaalam nito, Tumayo na siya at nagpresinta si Tina na ihahatid siya sa parking lot.

Tahimik lang sila habang naglalakad papuntang elevator hanggang makarating na din sa baba papuntang parking lot.

“Thanks ulit ah” pambasag ng katahimikan ni Brandon, binuksan na niya ang pinto ng kotse at muling humarap kay Tina.

“Nice meeting you and hopefully this is not the last” sagot ng dalaga at sabay dinampian ng mabilis na halik si Brandon. Napakagat labi pa siya pagkatapos she didn’t know why she’s acting like this. Lagi niyang pinagsisihan sa huli ang ginagawa niya. Pakiramdam niya ay na turn off sa kanya sa Brandon dahil wala man lang reaksyon ito.

Sobrang nabigla si Brandon sa ginawa ni Tina, pero hindi siya nagpahalata at agad na sumilay ang mga ngiti niya sa labi dahil sa mukhang pati na din ang dalaga ay nabigla sa ginawa nito.

He Robbed My heart (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon