Chapter 50

310 17 14
                                    

“Chelsea” sobrang lakas ng sigaw ko. Akala ko kasi ano ang nangyari sa anak ko dahil may kumalabog mula sa taas at parang may nalaglag mula sa taas pababa ng hagdan. Kasalukuyan kasi ako nagluluto at saktong palabas ako kasi naririnig ko na may tumatawag sa cellphone ko nakalimutan ko kasi ito sa taas.

Naglalaro kasi si Chelsea at Eloisa sa kwarto nito, pati si Ellsworth ay napatakbo sa may bandang hagdan ng marinig ang kumalabog nanonood naman ito ng balita sa t.v sa sala.

“Mommy I’m sorry!” sigaw ni Chelsea na nasa tuktok ng hagdan habang hawak ni Eloisa.

Ang cellphone ko pala ang nalaglag.

“Someone is calling you I just want to give it to you, but.. but mommy but it slipped in my hand.” Parang nagmamaka-awa na paliwanag nito sa akin. Mukhang iiyak na ito.

“It’s okay baby. Take care okay.” Nginitian ko siya para hindi matakot, nagpapa-alalay na kasi siya bumaba sa ate Eloisa niya dahil akala niya magagalit ako dahil wasak talaga ang cellphone ko naghiwa-hiwalay ang mga parte nito at hindi ko na makita nasaan na ang sim card ko.

Nakangisi naman si Ellsworth na pinagmamasdan ako na kunin isa-isa ang nagkalat na parte.

“I’ll just buy you one. Let’s just Eloisa take care of it.” Pag-aalo sa akin ni Ellsworth, napakibit-balikat na lang ako. Sayang naman itong cellphone ko bigay ni Brandon ito ng bago pa ang iphone5. Mukhang pati sa gamit ay unti-unti ng inaalis sa akin, gamit na galing kay Brandon.

“Okay lang ako na bahala dito. Hindi ko makita yung sim card ko baka importante yung tawag eh.” Sabi ko habang patuloy ako sa paghahanap naka luhod na ako sa sahig para makita ko ng malapitan, naramdaman ko naman na may yumakap sa likod ko. Si Chelsea.

“Mommy I’m really sorry.” Humihikbi ito nararamdaman ko ang mabilis na paghinga niya sa likod ko. Agad naman ako humarap sa kanya. At pinunasan ang pisngi niya basang-basa na kasi ng mga luha.

“Okay lang yun don’t worry mommy is not mad at you, stop crying na. Go to Papa muna I’m looking for something.” Hinalikan ko siya sa noo at niyakap ng mahigpit. Sinenyasan ko naman si Ellsworth na kunin muna si Chelsea.

Sige pa rin ako sa paghahanap hanggang sa naalala ko yung niluluto ko nakalimutan ko pinahanap ko na lang kay Eloisa. Agad akong tumakbo sa kusina.

Hinalo ko na Cham kumukulo na kasi.” Bungad sa akin ni Nanay Mitring, dali-dali kong nilapitan ang Nilagang baka na niluluto ko. Ilang saglit lang ay pinagsaluhan na namin ito.

“Mommy, papa promised me that he will continue the story of a prince and how she met her princess it’s kinda interesting I wanna know how the prince save her princess from an evil dragon.”  Nakangiting hiling ng anak ko kay Ellsworth habang sinusubuan ko ito.

“Of course baby I will before you sleep.” Tugon nito kay Chelsea. Masaya akong pinagmamasdan na naguusap ang mag-ama ko. Mukhang hindi naman mahihirapan si Chelsea makisama dito sakaling malaman na niya ang katotohanan. Gusto ko sana malaman na niya ito bago pa kami umuwi sa Maynila.

I want to fix everything. I want to free my heart with worries and live happily with my Ellsworth and Chelsea.

Alas-diyes na ng gabi kakatapos lang namin manood ng cd na compilations ng mga iba’t ibang fairy tales. Naka lima kami na palabas bago nagsawa ang anak ko. Umakyat na kami at dumeretso sa kwarto ni Chelsea. Pumayag naman na siya na matulog mag-isa nasanay na din siya dahil sabi sa kanya ni Ellsworth na malaki na siya at kailangan marunong na siya matulog mag-isa. Hinilamusan ko si Chelsea dahil medyo madungis na siya kakakain ng chocolates at cookies.

He Robbed My heart (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon