Chapter 22

1.4K 27 16
                                    

“Paano tayo nito makakauwi? Ang lakas ng ulan” natatakot na sabi ni Cham, agad naman siyang napatakip sa dalawang tenga dahil sa lakas ng mga kidlat at kulog.

“Don’t worry titila din yan.” Usal niya, titig na titig siya sa dalaga na mukhang takot na takot na.

“Natatakot ako” nanginginig na ang mga kamay ni Cham habang nakatakip padin sa mga tenga.

“Andito lang ako okay” nilapit nito ang upuan sa tabi ng dalaga.

Sobrang lakas ng ulan na parang bang hindi mo na makikita ang paligid sa sobrang dilim at dami ng ulan na pumapatak mula sa langit. Sunod-sunod din ang pagkulog at kidlat. Makikita mo itong gumuguhit sa kalangitan na tipo bang galit na galit.

“Wahh” sigaw ni Cham ng makita niya na parang may umabot hanggang lupa ang kidlat.

“Hussh okay lang yan wag mo na tignan pumikit ka na lang” agad naman na inakbayan ni Ellsworth si Cham at inilapit niya ito sa sa kanya. Parang bata naman na takot na takot si Cham at sumiksik ito sa dibdib ng binata. Hinaplos naman ni Ellsworth ang buhok ng dalaga para mapakalma sa sobrang panginginig.

Dumilim na ng tuluyan ang kapaligiran tanging ang laptop lang ni Cham ang nagsisilbi ilaw nila. Andito sila sa bandang dulo ng Rancho malayo sa bahay ng tagapangalaga nito. Hindi nila alam kanino sila hihingi ng tulong, hindi naman makuha ni Ellsworth ang cellphone dahil nakalimutan niya ito at nailagay sa motor nito.

“Gusto ko na umuwi.” Naiiyak na sabi ni Cham, ayaw niya talaga ng ganitong sitwasyon lalo na pag walang tigil ang malakas na ulan at may kulog kidlat pa.

“Don’t worry we will matapos lang itong ulan okay” paninigurado ni Ellsworth nakakaawa na talaga ang itsura na Cham, unti-unti na ding lumalabo ang ilaw ng laptop. Ilang oras na din silang nakaupo lang pero wala pa rin sila maisip na paraan para makauwi.

Sa tagal nilang na stranded ay hindi pa din nagbabago ang pwesto nila, si Cham pa din ay nakasiksik pa din sa dibdib ni Ellsworth habang nakalagay naman ang kamay ng binata sa bewang nito. Ramdam pa din ang panginginig nito dahil na din sa pinaghalong takot at lamig. Paminsan-minsan ay nababasa sila dahil sa lakas ng hangin.

“Parang wala ng katapusan itong ulan Ells, wala na din signal ang cellphone ko pati ang internet hindi na makaconnect” batid ng binata ang nangyayari hindi nila napaghandaan ito. Parang kala mo ay bagyo dahil sa lakas ng hangin na nawala nga ang kidlat at kulog pero malakas pa din ang ulan.

Kinakabahan na sila sa tent na tinayo nila unti na lang ay baka bumigay na ito.

“Okay lang ba kung iwanan kita dito saglit? Hihingi lang ako ng tulong.” Paalam ni Ellsworth.

“Ayoko natatakot ako.” Lalong humigpit ang hawak nito sa binata.

“Mababasa ka naman pag sinama kita baka magkasakit ka pa.” pag-aalala nito.

“Okay lang basta wag mo ako iwan.” Pagsusumamo nito.

Matagal bago nagsalita si Ellsworth iniisip niya na malakas ang ulan at wala siyang kapoteng dala. Panigurado na basang sisiw sila ilang minuto pa lang na pagtakbo nila. Nagsisisi siya bakit motor ang dala niya at hindi kotse.

Inayos na ni Cham ang laptop at isinilid na ito sa bag, inilagay niya ito sa loob ng jacket na pinahiram ni Ellsworth para hindi mabasa.

“Ano tara na?” yaya ni Cham.

“Teka nagiisip pa ako mahirap tong gagawin natin hindi ko alam saan ang pwesto ng nagbabantay dito. Yung may-ari kasi ang kausap ko dito kanina.” Tumayo na ito napahalukipkip at pilit na tinitignan ang paligid.

He Robbed My heart (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon