Chapter 18

1.5K 23 11
                                    

Naiinis si Cham dahil sa first day niya ngayon at late pa siya. Nang malaman sa guard kung asan ang mga kasamahan ay patakbo siyang lumakad papuntang conference room. Pagpasok pa lang niya ay lumingon lahat ng tao sa kanya. Agad naman nawala ang inis niya dahil sa init ng pagtanggap ulit ng mga katrabaho lahat sila ay nakangiti sa kanya.

“Sorry I’m late” nakangiting bungad niya sa mga katrabaho, agad naman siyang binati ng mga ito sa muli niyang pagbabalik hindi niya inaasahan na may bago palang tao na andito sa loob ng conference room.

“Why you’re late Ms. Hontiveros?” agad siyang napalingon sa nagsalita, nasa unahan ito at nakakunot ang noo sa kanya, maang na napatingin siya rito at saka tumaas ang sulong ng kanyang labi. Hindi makapaniwala si Cham sa lalaking nasa unahan ito ang nakabangga sa kanya sa hospital.

“Sorry na trapik kasi ako.” Maikling paliwanag niya.

“What a lame excuse Ms. Hontiveros, you know it’s Monday at asahan na trapik pero hindi ka man lang ng plan ahead.” Napakagat naman siya ng labi niya, he don’t know who is this guy in front of her. Pero kung makareact na late siya ay parang akala niya ang laki ng kasalanan niya. Napatingin siya sa mga kasamahan na para bang napahiya siya sa inasal ng lalaki sa harap.

Agad naman siyang hinila ni Joe ang entertainment writer nila at pinaupo sa tabi nito.

“Sorry it won’t happen again.” Matagal bago siya nakarecover sa pagkapahiya at ito na lang ang nasabi ng dalaga.

“Cham hindi ba nasabi sayo ni Sir Albert that there’s a new owner na ng Alban Publishing?” bulong ni Joe sa kanya. Namilog ang mga mata ng dalaga hindi ito nabanggit sa kanya kahit ni Sharm.

“Ang pinakaayaw ko sa empleyedo ko ay ang hindi marunong pumasok on time. I’m strict with attendance binabayaran kayo ng sobra dito so you need to be always on time.” Napalunok naman si Cham pinapatamaan siya nito.

“Maya mo na lang kwento sa akin Joe ah. Baka mahuli pa tayo mukhang mahigpit tong antipatikong boss natin.” She whispered back.

“So going back mukhang I need to start over with what I already told you guys earlier, dahil sa bagong dating.” Naalibadbaran na si Cham dahil lagi niyang nakikitang nakatingin ang lalaki sa kanya,parang hindi pa sapat na pinahiya ito at pinaparamdam pa nito sa kanya na dahil sa kanya kailangan niya ulitin ang mga sinabi na kanina.

“I’m Ellsworth Benavidez you can call me Ells I am the new owner of this company, starting today it’s no longer Alban Publishing. All of you will now be my employees our company name now is Benavidez Publishing. I’m also one of the owner of all Filipino Publishing company in New York. If you heard Filipino Times newspaper and We Love Philippines Magazine we are the publisher of those.” Napatingin naman si Cham sa katabi.

“Sosyal pala tong bago nating boss Cham, papable pa.” kinikilig na bulong ni Joe sa kanya, si Joe ay isang binabae kaya naman kung makatitig ito sa boss nila ay sobrang lagkit.

“Anong papable?” curious na tanong ni Cham.

“Gwapo ateng ang tangkad at mukhang matitigas ang mga muscles” napatapik pa ito sa baba niya sabay kagat ng labi. Natawa na lang ng lihim si Cham.

“Cute nga siya pero ang bastos naman. Lakas makasira ng araw eh.” Bulong niya ulit kay Joe hindi niya ito nililingon para hindi halata na naguusap sila ng palihim.

“Hayaan mo na titigan mo lang siya mawawala yang inis mo, libre kita ng fave mong kape mamaya para mawala asar mo.” Hindi naman maalis ang titig ni Joe si Cham naman ay hindi ito halos matitigan.

He Robbed My heart (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon