Chapter 35

996 20 7
                                    

Imbes na two weeks lang ay lilipad na sana si Brandon pabalik ng Pilipinas ay natagalan pa siya dahil inatake na naman ang Daddy niya, they almost lost him. Pakiramdam ni Brandon ay napapagod na ang Daddy niya sa kalagayan nito at gusto niya sana na nasa tabi lang siya nito. Sobrang awa ang nararamdaman niya dito halos ngiwi na ang mukha nito at mukha na talagang lantang gulay.

“Mommy magpahinga na muna kayo ako naman ang magbabantay kay Daddy” aniya, habang hagod niya ang likod nito. Malaki na din ang ipinayat ng kanyang ina simula ng atakehin ang daddy niya.

Andito sila sa hospital dalawang buwan na din nakaconfine ang Daddy niya, puno ito ng mga aparato sa katawan, hindi na kasi kaya na sa bahay lang ito maglalagi ang mga aparato na lang ang tanging bumubuhay sa kanyang ama.

“Okay lang ako anak sasabihin ko na lang sayo pag hindi ko na kaya. Gusto ko kasi ako ang unang makita ng daddy mo paggising niya. Gusto ko maramdaman niya na andito lang ako na hindi ako bibitiw” garalgal ang boses ni Mrs. Aleman pagod na siyang umiyak ubos na ang kanyang mga luha gusto niya lang maging matatag para sa kabiyak.

“Mom baka naman ikaw din magkasakit please magpahinga ka na” pagmamakaawa ni Brandon.

Pumayag din naman ang ginang na magpahinga muna dahil sa pangungulit ng anak. Nagiisang anak lang nila si Brandon ang bunga ng kanilang pagmamahalan, sa anak niya na lang siya humuhugot ng lakas ng loob ngayon. Malaking pasasalamat niya at nalagpasan na nito ang problema sa pag-ibig.

“Hi Tita good afternoon po” bungad ni Tina pagpasok nito, agad niyang bineso-beso ang mommy ni Brandon pati na din ang binata.

Halos araw-araw din ito kung dumalaw sa hospital, nakapasupportive nito kay Brandon gusto niya lang maramdaman nito na andito lang siya para damayan siya. Matatag na din naman ang friendship nila even just for a few months komportable na sila sa isa’t isa. Pero habang lalong tumatagal ay mas lalong nagkakagusto ito kay Brandon pero taliwas naman ang binata parang nakakabatang kapatid lang turing nito sa kanya.

“Hello iha buti at andito ka para may kasama si Brandon, uwi muna ako pinagpapahinga kasi ako ng makulit kong anak babalik na lang ako ng gabi” nakangiting sambit ng ginang at nagpaalam na sa dalawa.

Ipinatong ni Tina ang dalang mga prutas sa katabing mesa, dumako ang tingin niya kay Brandon na tahimik lang na nakatitig sa ama nito.

“How are you? Nakatulog ka ba ng maayos?” aniya, nilingon naman siya ni Brandon. Mukha kasing puyat na naman ito.

“Hindi masyado inatake na naman kasi ako ng insomnia” malamyang sagot niya.

“Iniisip mo na naman ba siya?” malungkot na sabi ni Tina.

Tinignan ni Brandon ang dalaga na kasalukuyang nakaupo sa sofa at nakayuko ito. Alam na ni Tina ang about sa kasawian niya ngayon lang niya naikwento ang buhay pag-ibig niya at medyo gumaan ang pakiramdam niya. Pero sa kabilang banda isang masakit na katotohanan ito para kay Tina, na ang taong mahal na niya yata ay nagmamahal ng iba.

“Yes my stupidity strikes again. I can’t help but check her facebook”

Napabuntong hininga na lang at kibit balikat si Tina, para kasing tinutusok ang dibdib niya tuwing maririnig ito kay Brandon. Ang sakit lang pakinggan na ang lalaking ginugusto mo ay hindi naman gusto ng babae na gusto niya. Parang unfair lang ang mundo talaga.

“Bakit kasi hindi mo na lang tanggapin” bulong ng dalaga.

Hindi kaagad nakasagot si Brandon. Paano niya nga ba tatanggapin na wala na talaga yata siyang pag-asa.? Sa huling balita niya ay mukhang engaged na sila Cham at Ellsworth. Ayun ang dahilan bakit hindi siya masyado nakatulog kagabi, nagaagaw ang isip niya kung uuwi ba siya ng Pilipinas or shall he stay coz his dad needed him most.

He Robbed My heart (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon