Chapter 42

722 18 13
                                    

 

 

 

MULTIMEDIA AVAILABLE:

Say Something…

 

 

 

 

 

Nagising si Cham ng maramdaman na binubuhat siya ng sa tingin niya ay dalawang tao. Nakapiring ang mga mata niya at mukhang pati ang bibig niya ay may busal kaya hindi niya maisantinig ang mga salita para tanungin kung asan siya, pero isa lang ang alam niya kakasakay lang niya ng Bangka at ibinababa na siya mula dito.

 

 

 

Naramdaman ng dalawang tao na buhat-buhat siya na mukhang gising na siya.

 

 

 

“Pare mukhang gising na.” sabi ng isang lalaki sa kasama nito.

 

 

 

Ang huling natatandaan niya ay ngayon ang araw ng kasal niya at sumakay siya sa wedding car niya at nakaramdam ng hilo pagkatapos noon ay wala na siyang maalala. Kumakabog ang dibdib niya kung nasaan man siya ngayon ay masama ang kutob niya.

 

 

 

“Sige ako na bahala” tugon pa ng isang lalaki.

 

 

 

Pagkatapos noon ay may nilagay na panyo sa ilong niya at automatiko na nahilo na naman siya at nawalan ng malay.

 

 

 

“Where is Cham and Ellsworth?” tanong ni Mrs Benavidez sa wedding coordinator nila. Isang oras na kasi ang nakakalipas ng umalis sila ng hotel pero wala pa rin ang dalawa sa venue. Kumpleto na ang mga guest sila na lang ang hinihintay.

 

 

 

“Ells texted me that he’s on its way and Cham we even saw her ride on her wedding car, I’m trying to call the driver but he’s not answering.” Tugon nito.

 

 

 

“This is impossible it will only take 10 minutes for her to reach here, we can’t contact her since her cellphone is with her sister I also called Ellsworth but it’s unattended” nag-aalalang sagot ng ginang.

 

 

 

 

Alas kwatro ang umpisa ng kasal pero alas-singko na ay wala pa din ang dalawang ikakasal. Hindi na maganda ang kutob ni Mrs. Benavidez, pati ang mga magulang ni Cham ay nagtatanong na din bakit wala pa ang dalawa pati na din ang pari na nakatoka sa seremonyas ng kasal nila.

He Robbed My heart (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon