Chapter 25

1.3K 29 13
                                    

“I love you Chamile Hontiveros you are mine now” sobrang kaligayahan ang nararamdaman ni Ellsworth sa pagpayag ni Cham na maging sila na. Parang ayaw gusto na niya umuwi at masolo si Cham.

“Ells tumigil ka na please nakakahiya baka maging headline na tayo sa mga tabloid bukas.” Pigil ni Cham sa kasintahan. Hindi kasi ito matigil sa pagsuntok-suntok sa hangin tapos bigla siyang hahalikan sa mga pisngi nito.

“Masaya lang ako hindi ka ba masaya?” hinawakan ni Ellworth ang dalawang kamay ni Cham at madiing pinisil.

“Masaya syempre pero nakakahiya kasi madaming media.” Mahinang tugon nito. Magsasalita na sana si Ellsworth pero biglang nagring ang cellphone ng dalaga tinanggal nito ang pagkakahawak sa kamay ng binata at kinuha ang cellphone sa bag nito.

“Bes are you there na ba sa event? Sorry kakauwi lang namin from Palawan but I want to go there” aniya ni Sharm. Kaya hindi ito nakapunta noong nakaraan na photoshoot para sa magazine ng Benavidez publishing dahil nagkaroon ito ng biglaan photoshoot para sa ini-endorse niyang clothing company at agad na nagpunta sila ng Palawan.

“Yes bes andito na kami habol ka hindi pa naman nagstart. Asa Makati ka na ba?” sagot niya sa kaibigan, habang nakatitig lang sa kanya si Ellsworth. Napansin kasi ng binata na parang nag-iba ang aura ni Cham may lungkot na naman sa mga mata nito.

“Yeah I’m here na sa Makati will be there in a bit. See yah bes miss you so much.” Natapos na sila magusap, pagbaba ng telepono ni Cham ay ramdam na dito ang lungkot na naman.

“What’s wrong?” mahinang tanong ni Ellsworth.

“Pupunta si Sharm and I feel guilty coz she likes you paano pag nalaman niya about us” nakayukong sabi ni Cham.

“Hussh don’t feel like that she don’t a have right to get mad at you, first of all I never said that I like her and lastly I know she will understand you, it’s your time to be happy right?” iniangat ni Ellsworth ang mukha ng dalaga at binigyan ito ng isang matamis na ngiti.

“Sa tingin mo maiintindhihan niya ako? And talaga bang mapapasaya mo ako?” seryoso ang pagkakasabi ni Cham pero hindi mapigilan ni Ellsworth na matuwa sa sinabi ng kasintahan, napailing na lang siya dahil kung ano-ano ang naiisip niya sa huling sinabi nito.

“I won’t promise na lagi kang magiging masaya sa piling ko, I know someday it will come a time na mag-aaway tayo, hindi magkakasundo, magkakatampuhan. Pero one thing for sure na alam kong kaya kong gawin na kahit kailan ay hindi magbabago”  pinutol niya ang sinabi, seryoso na din ang itsura ng binata ng sabihin ito. Hinawakan niya ulit ang mga kamay ng kasintahan.

Hindi ito ang unang magkakarelasyon ang binata pero ngayon lang niya talaga naramdaman ang eagerness na alagaan si Cham. Sa mga pinagdaanan nito sa buhay niya simula bata pa siya gusto niya sa na ang una at huling taong pwedeng magpasaya dito.

Nararamdaman na niya na ito na ang babaeng matagal na niyang pinapangarap makasama sa buhay niya. Hindi man kapani-paniwala sa tingin ng iba dahil sa sobrang bilis  ng pangyayari pero hindi na kasi niya kaya pang mag-aksaya ng oras.

“Ano yung hindi magbabago?” curios na tanong ni Cham dahil sa pagputol ni Ellsworth sa sinasabi at medyo matagal din itong hindi na ulit nagsalita.

Ngumiti muna si Ellsworth huminga ng malalim bago nagsalita ulit.

“Hindi ako basta susuko sayo kahit anong mangyari, basta ipangako mo lang na makikinig ka muna sa akin, pag may nagawa akong mali bigyan mo ako ng pagkakataon na magpaliwanag at huwag na huwag ka kaagad gagawa ng desisyon na ikakasira ng relasyon natin.” Medyo naguluhan si Cham sa ibig sabihin nito medyo malalim, nginitian na lang niya ito.

He Robbed My heart (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon