Chapter 3

1.9K 33 16
                                    

Simula ng umalis ang kaibigan ay siya na lang ang natira sa bahay ng mga Alban dito sa Makati paminsan minsan lang kasi kung umuwi dito ang mga magulang ng kaibigan kadalasan ay doon sa Condo nila na dito rin lang malapit nauwi at pabalik-balik lang din sila sa probinsya. Ang kasama niya lang dito ay isang katulong na nagaalaga ng kalinisan ng bahay. tumutulong din siya sa mga gawaing bahay kasabay pa nito ang pagiging office clerk niya sa publishing company ng mga Alban.

Kilala ang publishing company ng mga Alban dito sa Maynila sila ang nangununang kumpanya ng tabloid at mga local komiks. Hinahasa na siya dito para pagkatapos niya sa pagaaral ay dito na din daw siya magtratra,,baho yun ang sabi sa kanya ng daddy ni Sharm. Kaya talaga naman hindi niya binibigo ang magulang ni Sharm at talagang nagaaral siya ng mabuti dahilan para maging nasa top one siya sa klase noong first year at second year.

"Cham kanina ka pa namin hinahanap magpapatulong sana kami sayo eh" nilapitan siya ng tatlo niyang kaklase na naging kaibigan na din niya andito siya ngayon sa tambayan nila ng kaibigan na si Brandon, wala kasi ang binata busy sa pageensayo ng basketball malapit na kasi ang sportsfest nila.

"Ano maitutulong ko sa inyo?" umupo ang tatlo at ipinakita ang libro ng subject nila na Cost Accounting.

"Grabe ang hirap naman kasi nitong subject na to hindi talaga namin magets kinakabahan kami sa exam baka wala kami maisagot." Malungkot na sabi ni Annie

Simula ng napatunayan ni Cham na may ibubuga siya pagdating sa academics nabura lahat ang mababang tingin sa kanya sa eskwelahan, dumami ang mga kaibigan niya hindi na lang sila ni Brandon ang laging magkasama. Minsan pa ay may sideline siya dahil nagtutor siya sa ibang kaklase kaya nakakadagdag naman ito para sa allowance niya, nagiipon din kasi siya pinapadala niya sa magulang sa probinsya.

"Sige walang problema kuha kayo ng notebook at gagawa tayo ng reviewer." Nagsimulang kumuha ng mga notebook ang mga kaibigan niya, nagsimula silang magtake note ng mga information na makakatulong para mas maintindihan nila ito. Naubos ang vacant time ng dalaga sa pagtulong sa mga kaibigan.

"Woah ganon lang pala yun friend bakit pag si Mr. Enriquez ang nageexplain hindi namin magets pero sayo wow lang ganon lang pala ang galing mo ah. Gets na gets ko na" masayang untag sa kanya ni Joan.

"Ako din ang saya lang nakuha ko na din buti na lang andiyan ka sis walang sawang nagtuturo sa amin" si Kristine sabay yakap kay Cham, pati si Joan at Annie ay napayakap na din.

"Oo nga pala friend I almost forgot, pinabibigay pala to ni Aldwin" iniabot ni Joan ang isang box kay Cham, mas excited pa ang tatlong kaibigan kesa sa dalaga na buksan ang laman ng kahon.

"Wow isang set ng jewelry ikaw na friend. Dali ayan may kasama pang note basahin na natin" aniya ni Annie.

"Hi pretty, please wear it on our Acquaintance party. Hope you like it and may I please invite you to be my date?"

Sabay sabay nagsigawan ang tatlo mas kinilig pa sila kaysa sa dalaga. Si Aldwin ang masugid na manliligaw niya ilang buwan na ito nagpaparamdam sa kanya pero hirap ang lalaki na lapitan ang babae dahil sa laging kasama nito si Brandon, kaya kadalasan ay sa tatlong kaibigan ni Cham lahat pinapadala ang mga binibigay nitong regalo.

"Hi Cham" lahat sila napalingon sa taong tumawag sa likod. Si Aldwin.

"Yiiieeee si Aldwin," sabay sabay pang panunukso ng tatlo.

"SIge alis muna kami salamat ulit friend, kita kits sa next subject natin" tumayo na ang tatlo at iniwanan na ang dalawa.

"Hi Aldwin nakakahiya naman tong regalo mo sa akin, mukhang mamahalin." Tumabi ang binata kay Cham.

He Robbed My heart (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon