Chapter 16

1.5K 25 12
                                    

Si Brandon at Sharm ang natirang nagbabantay ngayon sa ospital. Umalis na si Rico at si Mr. Alban.

“Sharm siguro naman I deserve an explanation. Matagal niyo sa akin tinago ito” mahinang tanong ni Brandon. Humugot muna ng malalim na hininga si Sharm.

“Nasa party kami diba? Tapos lumabas siya sa parking lot and after that hindi na namin siya nakita, I’m not sure if your aware what’s going on between our company and Congressman Manlapas. He said to dad that he likes Cham at para iurong ang kaso against us she wants Cham in return.” Gulat na napatingin si Brandon kay Sharm.

“I’m aware about the case but I don’t know that she likes Cham. So kaya ang suspect niyo ay si Congressman tama ba?” naguumpisa na naman makita ng dalaga ang galit sa mukha ni Brandon.

“Yes but we can’t find any proof that he is the one involve here, we hired an investigator pero kahit sila ay walang hint na makuha kahit isa na may kinalaman ang Congressman so we can’t file any case against him.”  She said with disappointment.

“Tangna naman. Hindi ako papayag na hindi natin malaman sino ang may gawa nito kay Cham I will also hire my own investigator. Kailangan malaman natin ito kaagad.” Tinignan niya ulit ang walang malay na si Cham. He never expected that it will come to this point na makikita niya na ganito ang lagay ng pinakamamahal, sobrang sakit nito sa dibdib niya.

“I know Brandon even me I didn’t expect that it will come to this point. Masakit sa akin na makita na ganyan ang lagay ng bestfriend ko. Para lang maisalba ang company hindi ako papayag na siya ang magsuffer.”

 

Sobrang bigat ngayon ng pakiramdam ni Brandon, gusto niya makita agad ang may sala nito sa dalaga kung pwede lang makapatay gagawin niya maiganti niya lang ang sinapit ni Cham. Iniwanan muna siya ni Sharm kukuha muna daw ito ng mga gamit nila ni Cham. Hindi na naman niya naiwasan na maiyak sa sobrang sama ng loob.

“Mach gising ka na please I need you right now, diba may usapan pa tayo? Mahal na mahal kita Mach, sana kasama mo na lang ako sa Party para hindi ito nagyari sayo.”

 

Sambit niya sa dalaga habang hawak ang kamay nito, sunod-sunod naman ang pagtulo ang mga luha niya. Sasabog na ang ulo niya sa sobrang sakit nito. Sumubsob siya sa mga kamay ni Cham at ipinikit ang mga mata niya.

“Iho” nagising si Brandon ng may humawak sa balikat niya, agad naman siya nag-angat ng mukha para tignan ang bagong dating.

“Tita Edith kayo po pala.” Bati niya sa mommy ni Sharm, nasa likod naman nito ang pamilya ni Cham, agad naman siyang nag-mano sa mga ito at binati naman niya ang dalawang ate nito.

“Mam ano po nangyari sa anak ko, bakit ganyan itsura niya.?” Pagkalapit pa lang ng ina ni Cham ay humagulgol na ito ng iyak, sunod-sunod na nagiyakan ang tatay at mga ate niya ng makita ang itsura nito.

Kahit si Mrs. Alban ay hindi inaasahan ang makikita sa pagbabalik ni Cham, hindi niya lubos maisip na sa isang hospital ang muli nilang pagtatagpo. Kinakain siya ngayon ng konsensya sa hindi pagsasabi ng totoo sa kalagayan ng anak sa mga Hontiveros. Hindi siya makasagot sa tanong ng nanay ni Cham, hianayaan niya na lang muna ang mag-anak sa tabi ng dalaga at lumayo ng kaunti at naupo muna, nanlulumo siya sa sinapit ng parang tinuring na din niyang anak.

He Robbed My heart (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon