Chapter 30

1.1K 19 2
                                    

A/N: Please read.

Sorry if need ko ire-published ang Chapter na ito. Si pareng Watty kasi ginawang restricted, will repost Chapter 31 pero it will only available in private view you need to follow me so you can read it. Sorry for the Inconvenience sana sa mga nagvote at comment hehe pavote na lang ulit, sorry naman demanding hehe. Thanks talaga sa inyo at wala kayong sawang suportahan ang story ko. Loveyou all ♥ You can access Chapter 31 too by clicking the external link.

“Cham kailangan mo pumunta ng Makati Med ngayon nasa hospital si Ellsworth” si Toni ang nasa kabilang linya ang bagong segment producer. Hindi na siya nakapagsalita sa narinig, tanging ang mga mata na lang niya ang sumagot dito nag-uunahan na umagos ang mga maiinit na luha sa mata niya. Hindi na niya naintindihan pa ang ibang mga sinabi nito.

Binaba niya kaagad ang telepono at agad na umakyat para magpalit ng damit. Laking pagtataka naman ng dalawang ate nito sa biglaan pag-iyak pagkatapos marinig ang sinabi ng kausap.

“Ate aalis muna ako nasa hospital si Ellsworth” humahangos itong bumaba ng hagdan at nagpaalam sa dalawa, tanging paalala lang na mag-ingat ito ang nasabi ng dalawa dahil sa bilis nitong lumabas ng bahay nila.

Buti na lang at nakikisang-ayon sa kanya ang pagkakataon, paglabas niya ng gate nila ay agad siyang nakapara ng taxi.

Wala pa rin sa sarili si Cham habang nasa loob ng taxi, nanginginig ang mga kamay habang dina-dial ang number ni Joe sinasamahan pa ito ng walang tigil niyang pag-iyak, panaka-naka naman siyang tinitignan ng driver ng taxi naawa ito sa sakay na pasahero.

“Joe, sorry alam ko kasama mo bf mo ngayon pero I need you now. Ellsworth is in the hospital right now” malungkot na bungad nito pagsagot palang ni Joe sa telepono.

“Huwatt? Sige pupunta ako, relax ka lang okay? May kasama ka bang iba? Wag ka maghihisterical, relax lang okay. I’ll be there maybe 30 minutes from now. Relax ka lang okay?” napasigaw pa si Joe sa narinig, pinipilit niyang kumalma si Cham ramdam niya kasi ang panginiginig ng boses nito.

“Salamat Joe hintayin kita ah.” Lumuwag naman ang pakiramdam niya ng malaman na sasamahan siya ng kaibigan, pinahid niya ang mga luha na kanina pa walang tigil, inayos na niya ang sarili ng makita na malapit na siya sa hospital.

Pagpasok sa loob ay agad na hinanap ang information center para ipagtanong ang room number ng kasintahan.

“Hello po Good evening I just want to ask saan po ang room ni Ellsworth Benavidez?” malamlam pa din ang mga mata ni Cham pinipilit na lang pigilan ang sarili na wag maiyak, natatakot pa din siya sa pwedeng malaman na kalagayan ng kasintahan.

“Wait lang po mam I’ll check” tugon ng nurse on duty.

Tahimik na nagmamasid si Cham sa paligid, andito na naman siya sa Hospital dito rin siya nagkaroon ng malay noong nakaraan na may nangyari sa kanyang masama ayaw na niya sana bumalik dito dahil parang lahat na naman ay bumabalik sa alaala niya.

Pero kailangan niyang labanan ang takot, kailangan siya ni Ellsworth ngayon.

“Andrea” sigaw na tawag ng nasa information sa isang nurse na naglalakad.

“Yes Pam” sagot nito at lumapit sa tabi ni Cham.

“Diba ikaw ang nurse na kasama ni Doctor Benson kanina sa emergency room yung pasyente niyo si Mr. Benavidez diba?” tanong nito sa kaharap.

He Robbed My heart (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon